Hindi pa tapos si Cristy Fermin!

Pinatikim niya ulit ng maaanghang na salita at patutsada ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial, kaugnay sa isyu ng panayam nito kay King of Talk Boy Abunda, na humahamon kay AJ Raval na magsalita na sa isyu hinggil sa alegasyon ni Xian Gaza na nililigawan siya ni Diego Loyzaga.

Ang unang round ng panunupalpal ni Cristy kay Barbie ay nang sabihin niyang wala umanong karapatan ang aktres na tawaging 'mistress' ang sinuman lalo na't hindi pa naman sila kasal ni Diego Loyzaga.

Sa latest episode ng radio program ni Cristy na 'Cristy Fer Minute' kasama si Romel Chika nitong Disyembre 1, muling nagpaulan ng mga matatalas na pahayag ang showbiz columnist kay Barbie, na hanggang ngayon naman ay wala namang komento o pahayag sa sinabi ni Cristy.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

"Alam mo, hindi ko gusto ‘yung tabas ng dila n’yan. At saka tungkol sa mga bata na ganito na kung makapagsalita ay akala mo kanila na ang mundo," ani Cristy.

“Unang-una, inaangkin niya si Diego Loyzaga pero wala ka pang papeles na nagpapatunay na kayo’y mag-asawa pa. At saka ang tao, hindi inaangkin. May kaniya-kaniya tayong katangian na atin lang."

Hindi raw dapat inaangkin ang tao dahil hindi naman sila bagay, sey ni Cristy.

“Ang inaangkin lang pangalan, bahay at lupa, mga kagamitan, mga ganyan lang pero ang tao ay hindi. Kahit pa mahal na mahal natin ang tao, natulungan natin mula ulo hanggang paa, may sarili rin siyang katangian na kanya lang na hindi natin maaaring angkinin at akuin."

Bagma't nagsasama na umano sina Diego at Barbie sa iisang bubong, wala pa rin daw 'K' si Barbie na tawaging kabit si AJ, lalo't hindi pa nga sila kasal. Naungkat pa nito ang isyu ni Barbie sa dati nitong karelasyon na si Paul Salas, na nasa GMA Network na.

Kaya sabi ni Cristy, isaksak na lamang ni Barbie si Diego sa baga niya para wala na itong kawala.

“Eh 'di isaksak niya sa baga niya si Diego, ‘di ba para wala nang babae pa sa kaniyang palagay na nilalandi ang boyfriend niya, parang ganooo."

Umentra naman si Romel Chika, "At kaya siya bina-bash ngayon kasi sabi ng mga netizens, ‘Bakit ikaw ang matalak? Bakit ikaw ang nagtatanggol sa sarili mo? Bakit hindi ‘yung boyfriend mo ang magtanggol sa ‘yo?’

Sabi pa ni Cristy, malabong makipagbardagulan si Diego sa mga isyung ito dahil edukado raw ito, at baka kagalitan pa siya ng kaniyang inang si Teresa Loyzaga.

Sabi pa ni Cristy, paano raw kung dumating ang panahong maghiwalay sina Diego at Barbie, at dahil bilog ang mundo, paano kung mapunta nga si Diego kay AJ? Makabubuting ikulong na lamang umano niya si Diego kung ayaw niyang mapunta ito sa iba.

“How sure are you na ayaw ni Diego si AJ? Nababasa ba niya ang utak at puso ni Diego? Baka i-challenge siya, di ba?”

“Walang pinakamaganda rito kundi isaksak mo sa baga mo si Diego," sey pa ni Cristy.

Sa episode naman nitong Disyembre 2, nilinaw ni Cristy na hindi siya galit sa kahit na kaninong artista: kay Barbie man, kay Kylie (Padilla), o kahit na kaninuman.

Screengrab mula sa YT/Cristy Fer Minute

Ang ayaw lamang daw niya at sinisita ay ang mga masasakit na salita at mga hindi magagandang kilos na nakikita ng mga tao.