Matapos ang isyu hinggil kay TJ Valderrama, sina Brenda Mage at Madam Inutz naman ngayon ang 'talk of the town' sa outside world.

Marami sa mga netizen ang 'nawindang' sa pag-uusap nina Brenda at Madam Inutz tungkol sa kapwa housemate na si Alexa Ilacad, na kabilang sa mga nominado na nanganganib na mapalabas sa Bahay ni Kuya, kasama pa sina Karen Bordador, Samantha Bernardo, at TJ Valderrama.

Pinag-uusapan ng dalawa kung sino ang dalawang posibleng mapalabas ng PBB house. Ayon kay Madam Inutz, malulungkot siya kapag napalabas na kaagad si TJ, na isa sa mga naging close niya sa loob ng bahay. Sila-sila kasi nina Brenda ang mga housemates na unang pumasok at naging magkagrupo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Brenda Mage at Madam Inutz (Screengrab mula sa YT)

Brenda Mage at Madam Inutz (Screengrab mula sa YT)

Maya-maya, nabanggit ni Madam Inutz na para bang hindi niya nakikitaan na may nagawa ang housemate na si Alexa sa loob ng bahay, sa tagal ng kanilang pananatili doon.

"So far na nandito ako, wala pa akong nakitang nagawa (ni Alexa) as in," isa sa mga pahayag ni Madam Inutz.

Bagay na sinegundahan naman ni Brenda, "Walang silbi, ganda lang talaga."

Ang natatandaan lamang daw ni Brenda na nagawa ni Alexa sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang pagiging sirena nito sa kanilang musical play. Isyu rin sa kaniya na minsan umano ay kapag kumakain ito, hindi man lamang daw sila tinatawag, gayundin ang pakikipag-loveteam nito kay Eian Rances.

alexa ilacad – Manila Bulletin
Karen Bordador at Alexa Ilacad (Screenshot mula sa YT)

Matatandaang si Brenda ang naging instrumento upang makapag-graduation pictorial si Alexa na nakapagtapos na ng college. Si Madam Inutz naman ang naging tulay upang makausap ni Alexa ang kaniyang Mommy.

Isa pa, para kay Madam Inutz, anak-anakan ang tingin niya kay Alexa dahil nakikita niya ang anak niyang babae rito.

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Hoy Brenda, backstabber ka! Kasinlala ng hitsura mo ang ugali mo! Bakit hindi ninyo komprontahin si Alexa nang harapan hindi 'yang nagma-Marites kayo na alam ninyong may mga matang nanonood sa inyo!"

"Nakaka-disappoint ka naman, Madam Inutz. Isa ka pa naman sa Big Four ko, pero parang I'm changing my mind. Hindi ba sabi mo anak-anakan mo si Alexa? Bakit ganyan ang sinasabi mo tungkol sa kaniya?"

"Nakakahiya naman sa ganda mo, Brenda? Ikaw na may silbi. Ang pangit ng ugali mo, nagrereflect sa mukha mo."

"Itong mga Marites na ito oh, walang magawa! Backstab pa more!"

"Madam Inutz keeps on saying that Alexa is her daughter inside the house and KD is his son. Pero keep on talking behind their back din naman."

"Reality show pinasukan nila… totoo lang sinasabi nila…"

Samantala, wala pa namang pahayag ang PBB: Kumunity Season 10 tungkol dito.