Tatlong biyahero mula sa South Africa na pinagmulan ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naka-quarantine na sa Negros Occidental.

Nilinaw ng provincial government ng Negros na dumating sa bansa ang tatlo bago pa maipatupad ang travel ban.

Naiulat na ang tatlo ay pawang consultant ng isang power company sa lalawigan.

Dalawa sa mga ito ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Nobyembre 24 at lumipad sila patungong Negros Occidental habang ang ikatlo ay dumating sa bansa nitong Nobyembre 26.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Matatandaang pansamantalang ipinagbabawal ng gobyerno ang pagpaso sa Pilipinas ng mga biyaherong mula sa South Africa, Botswana, at iba pang bansa nakitaan ng Omicron variant.

Paglilinaw ng pamahalaang panlalawigan, kapag natapos na sa quarantine ang tatlo ay isasalang sila sa RT-PCR (Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction) test.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na kung magpositibo pa sa COVID-19 ang tatlo ay ibibigay ang kanilang samples sa Philippine Genome Center na magdedetermina kung nahawaan ng Omicron ang mga ito.