May namumuong tensyon nga ba sa isang 'beteranang Marites' at 'pambansang Marites new generation'?

Usap-usapan ngayon ang pagpo-post ng open letter ng self-proclaimed ‘Pambansang Lalaking Marites’ na si Xian Gaza para sa batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Nabalitaan umano ni Xian na 'galit' umano sa kaniya si Cristy dahil sa mga sunod-sunod na pasabog nito ukol sa mga showbiz chismis at intriga; biro pa nga ng mga Marites ay 'nadethrone' na si Xian si Cristy at ang isa pang beteranang si Manay Lolit Solis.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

"OPEN LETTER TO CRISTY FERMIN," ayon sa pamagat ng kaniyang Facebook post.

"Alam mo bakit bwisit na bwisit ka sa akin? Because for the very first time in your 65 years of existence eh ngayon ka lang naka-encounter ng isang tao na higit kalahati ng iyong edad tapos mas maingay ang pangalan sa mundo ng Philippine tsismis," aniya.

Mula mismo kay Xian, nahigitan na raw niya si Cristy pagdating sa paghahatid ng mga pasabog na blind item na talaga namang pinag-uusapan. Nagsimula ito sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla (kasama na si AJ Raval) hanggang sa isyu kina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

"Nasapawan kasi kita. Naapakan yung ego mo. Sobrang sakit no'n. I feel you."

Sa kabila nito, mataas pa rin umano ang pagrespeto niya sa showbiz columnist. Hindi pa rin naman daw matatawaran ang ambag ni Cristy sa 'gossip journalism' sa bansa. Tinawag pa niyang 'lola' si Cristy Fermin.

"Huwag ka mag-alala dahil mataas ang respeto ko sa 'yo bilang haligi ng gossip journalism sa ating bansa. Kahit nilampaso ng Isyus by Xian Gaza ang iyong Cristy Ferminute brand, ika'y hindi maaalis sa puso ng sambayanang Pilipino. We love you, Lola Cristy."

"CHRISTIAN ALBERT 'XIAN' GAZA."

"Pambansang Marites New Generation."

Samantala, wala pa namang reaksyon o komento si Cristy tungkol sa open letter na ito ni Xian sa kaniya.