Nagpa-picture ang komedyanteng si Kitkat Favia sa kontrobersyal na aktor at isa sa mga lead cast ng 'I Left my Heart in Sorsogon' ng GMA Network na si Paolo Contis.

Makikitang nagkita sila ni Paolo kung saan man, o nagkasama sila sa isang trabaho. Pabirong caption ni Kitkat sa kaniyang Instagram post, "Bashers,, Pasok!!! Deba @paolo_contis hehehe goodvibes lang.. work work work lang."

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Matatandaang naintriga si Paolo sa kaniyang nakatrabaho at katambal sa pelikulang 'A Faraway Land' na si Yen Santos. Naispatan kasi silang magkasama sa Baguio City sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nina Paolo at ex-partner na si LJ Reyes.

Muling nabuhay ang isyung may namamagitan kina Paolo at Yen na higit pa sa pagiging 'friends', nang mag-post sila ng mga litrato sa IG stories nila na tila nasa iisang lugar sila at magkasama, upang ipagdiwang ang kaarawan ni Yen, sa pamamagitan ng isang espesyal na dinner date.

Anyway, isang netizen naman ang nagkomentong nakakaawa raw si Paolo lately dahil panay batikos at pag-uusig ang natatanggap nito, dahil nga sa mga nangyari.

"People bashed him lately kaya nakakaawa din (heart emoji) pag public figure ka or artista ka, nahuhusgahan kayo kahit hindi naman kayo kilala in person and that is so bad."

Kaya sumagot naman dito si Kitkat.

"Kaya ginagawa na lang po naming biro."

"Wala po kasi ako mai-caption… nasa work po kami."

Samantala, si Kitkat ay napapanood sa 'All Out Sundays' tuwing Linggo ng tanghali, at 'The Boobay and Tekla Show (TBATS)' tuwing Linggo ng gabi. Si Paolo naman ay mapapanood sa 'I Left my Heart in Sorsogon' kasama sina Heart Evangelista at Richard Yap mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa GMA Telebabad.