Naloka naman ang mga Certified JaDine fans sa mga kumalat na litrato sa social media na nasa iisang lugar ang mag-ex partners na sina James Reid at Nadine Lustre, o mas kilala sa tambalang 'JaDine', na namimili sa 'world's largest store' ng IKEA sa Mall of Asia Complex, Marina Way, Pasay City.

Pero ang totoo niyan, hindi sila magkasama.

Kasama ni Nadine ang kaniyang pamilya, partikular ang kaniyang nanay at kapatid na lalaki. Kasama rin umano ang rumored boyfriend na si Christophe Bariou. Habang si James naman, kasama ang mga kaibigan, ayon sa Facebook post ng page na 'Certified JaDine'.

"James and Nadine at IKEA yesterday. James Reid being with friends, Nadine Lustre with her (rumored) boyfriend," saad sa caption ng Facebook post, kalakip ang mga litrato bilang 'resibo'.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa FB/Certified JaDine

May be an image of 2 people, people standing and indoor
Screengrab mula sa FB/Certified JaDine

May be an image of 4 people and indoor
Screengrab mula sa FB/Certified JaDine

Marami namang JaDine fans ang 'hopia' pa rin na magkakabalikan ang dalawa, na sumikat sa pelikulang 'Diary ng Panget' noong 2014.

"Naghiwalay man sila mananatili pa rin sila sa puso ko."

"Love their status right now, they might not be lovers but good friends indeed."

"Naalala ko tuloy bigla yung kantang 'Masaya kana sa iba' yung lyrics, same sa JaDine."

"Bilang JaDine fan, ang sakit! Love ko pa rin kayong dalawa kahit masakit 'yan hahahaha."