Binasag na ni Heaven Peralejo ang kaniyang katahimikan hinggil sa tunay nilang relasyon ng vlogger-social media influencer na si Kimpoy Feliciano, sa latest vlog/bag raid/tell-all interview ni Darla Sauler sa kaniya, nitong Nobyembre 23.

Si Darla Sauler ay isa sa mga writer ng ilang mga naging top-rating shows ng ABS-CBN shows, gaya ng Kris TV, Magandang Buhay, Gandang Gabi Vice, at marami pang iba.

Sa bag raid at tell-all interview ni Darla, diretsahan niyang tinanong si Heaven kung sila na nga ba ni Kimpoy. Kung hindi raw niya kilala si Heaven, iisipin niyang sila na ng social media influencer dahil tinawag pa niyang 'beh' si Kimpoy. At kung susuriin daw ang mensahe ni Kimpoy para sa kaniya, parang may malalim na itong nararamdaman para sa dalaga.

"Real talk, Heaven… boyfriend mo ba si Kimpoy Feliciano?" tanong ni Darla kay Heaven.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isang madiing 'Hindi' ang isinagot ni Heaven.

"Hindi! Hindi talaga… as in… 'di ba kunwari yung friend mo na… 'Uy beh!' gano'n… gano'n lang talaga guys," paglilinaw ni Heaven.

"Pero kasi kami ni Kimpoy, we are very, very best friends."

Darla Sauler at Heaven Peralejo (Screengrab mula sa YT)

Muli siyang inuntag ni Darla tungkol sa sinabi niya noon na nakapokus muna siya sa kaniyang sarili, sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nila ni Kiko Estrada.

"Oo… single ako but not ready to mingle. Yung kay Kimpoy guys, masaya lang din talaga na nagkaroon ako ng kaibigan sa showbiz. Iyon yung parang thankful kami sa isa't isa, na family nakahanap ka rin ng kaibigan talaga, na alam mo 'yun, lumalabas kahit hindi magkasama sa work, gano'n…"

Bahagi rin ng panayam ang pagsasabi ni Heaven na sanay na siya sa mga intriga kahit noong nasa loob pa lamang siya ng Bahay ni Kuya. Naging housemate si Heaven sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Tinuruan umano siya ng kaniyang manager na si Ogie Diaz kung paano magre-react sa mga intrigang ipinupukol sa kaniya.