Mukhang hindi umubra sa batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang ginawa ni Barbie Imperial kay AJ Raval na humihimok ritong magsalita na at depensahan ang sarili sa publiko, kung talaga nga bang hindi siya 'kabit' sa relasyon nila ni Diego Loyzaga, gaya ng mga alegasyong lumulutang mula kay Xian Gaza.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/">https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/

Ayon kasi kay Xian Gaza, si Diego Loyzaga umano ay nanliligaw kay AJ habang sila pa ni Barbie Imperial. Kaya naman, talak ni Barbie, kung hindi naman ito totoo, dapat pumapalag si AJ para malinaw na ang isyung ito, batay sa panayam niya kay King of Talk Boy Abunda.

Hanggang ngayon ay wala pa ring sey si AJ sa isyu, bagama't may cryptic Facebook post siya na talaga namang pinag-usapan ng mga netizen. Tungkol ito sa isang meme na talaga namang kinaaliwan ng mga nakabasa sa social media.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/29/latest-cryptic-fb-post-ni-aj-raval-pasaring-nga-ba-kay-barbie-imperial/">https://balita.net.ph/2021/11/29/latest-cryptic-fb-post-ni-aj-raval-pasaring-nga-ba-kay-barbie-imperial/

Kaya naman sa radio program ni Nay Cristy na 'Cristy Fer Minute', sinabi niyang wala umanong karapatan si Barbie na tawaging 'mistress' ang mga babaeng napapalapit kay Diego, lalo't hindi pa sila mag-asawa.

"Ineng, magkarelasyon pa lang kayo ni Diego Loyzaga, hindi pa kayo mag-asawa. Kaya wala ka pong karapatan na tawaging ‘mistress’ ang sinumang babae na napapalapit kay Diego,” pahayag ni Cristy.

“Wala ka pang kasiguruhan kung magiging kayo. Iwasan mo 'yan. Pagsasabi ng ganyan. Wala ka pang pasaporte para i-brand ang isang babae na mistress.”

“Wala, wala. Kasi wala ka pang hawak na dokumentong magpapatunay na si Diego at ikaw ay kasal na."

Nitong Nobyembre 30 ay umere na ang full interview ni Barbie kay King of Talk Boy Abunda sa 'The Best Talk' ng Cinema One.

"Ahmmm, yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!" matapang at diretsang pahayag ni Barbie.

Nabalitaan din umano ni Barbie na 'magkaibigan' sina AJ at ang gumagawa sa kanila ng isyu na si Xian.

"And I heard, I have a proof na… AJ and Xian Gaza are friends and maybe they talk about, feeds him na mga info na mga chismis… so ako, parang sa akin 'Ohhh… gusto mo pala 'to, parang ganoon."

Inamin ni Barbie na magkaibigan sila ni AJ… noon.

"Actually friend ko siya noon. Kaibigan ko siya noon. Ahm, tinanggap namin siya, sobrang binaby namin siya sa grupo namin, kasi nga, ano, ahm, girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel (Torres), so tinanggap namin siya… so nagulat lang ako na ang daming nangyayari, na… okay, gusto mong maging kabit… eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko… so 'yun," wika ni Barbie.

Sabi naman ni Xian Gaza, dapat si Diego ang magsalita at umamin sa publiko at hindi si AJ.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/29/xian-gaza-bumwelta-kay-barbie-bakit-hindi-si-diego-ang-magsalita/">https://balita.net.ph/2021/11/29/xian-gaza-bumwelta-kay-barbie-bakit-hindi-si-diego-ang-magsalita/