Pansamantalang isinara sa mga motorista simula ngayong araw, Nobyembre 30, ang bahagi ng eastbound at westbound lanes ng Seaside Drive (malapit sa Coastal Mall) sa Paranaque City.

Ayon sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang pagsasara sa nasabing kalsada ay upang bigyang-daan ang isinasagawang konstruksiyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension.

Ayon pa sa MMDA, isinara ang kalsada dahil maglalagay ng girder sa lugar at para na rin sa kaligtasan ng mga motoristang dumaraan doon.

Naglagay din ang ahensya ng mga directional signages sa lugar upang gabayan ang mga apektadong motorista na pinapadaan sa mga alternatibong ruta.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Bella Gamotea