Agad na bumwelta ang self-proclaimed 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza sa mga patutsada ni Barbie Imperial sa kaniya, sa kumakalat na video clip ng naging panayam nito kay King of Talk Boy Abunda sa 'The Best Talk' na ibinahagi ng Cinema One.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/">https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/

Ayon kay Barbie, may pruweba raw siya na magkaibigan sina AJ Raval at Xian Gaza at nagbabahaginan sila ng mga chismis. Si Xian Gaza kasi ang nagpapakalat na umano'y jinojombag si Barbie ng kaniyang boyfriend na si Diego Loyzaga; patunay pa nga raw ang sugat sa daliri ng aktor, na makikita sa kaniyang mga litrato na may benda nga.

"Barbie Imperial fake news ka, Sis. Ginawa mo pang source si Aj Raval hahaha! As a matter of fact, sobrang nagalit siya sa akin after ko i-post ang exposé pero sineenzone ko na lang para wala nang mahabang usapan pa. Pinili lang niya siguro manahimik ngayon dahil sobrang natuto na siya last time nung tsinismis ko sila ni Aljur Abrenica," ayon sa Facebook post ni Xian Gaza nitong Nobyembre 29.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

This image has an empty alt attribute; its file name is image-501.png
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

May hamon din siya kay Barbie. Bakit daw hindi si Diego ang pagpasalitain niya sa isyu at nang magkaalaman?

"Bakit hindi si Diego Loyzaga ang magsalita sa publiko na hindi totoo ang mga sinasabi ko? Bakit si AJ?"

Sa isa pang Facebook post, muling pinasaringan ni Xian si Barbie.

"Barbie Imperial bakit naman gugustuhin ni AJ na ma-link siya kay Diego? Pogi ba yan?"

Sa isa pang Facebook post, nag-upload naman si Xian ng isang video habang tila nang-aasar na kumakanta-kanta siya habang nasa banyo. Iyon daw ang kanta ni Barbie para kay Diego.

"Gustong-gusto ko talaga yung may nabubwisit akong tao eh hehe. Very good for my mental health," sabi pa ni Xian sa comment section.

Wala pa namang pahayag si Barbie, si Diego, o si AJ sa mga panibagong buweltang ito ni Xian Gaza.

Matatandaang inamin mismo ni Xian na 'gumaganti' siya kay Barbie dahil sa pagtawag sa kaniyang 'scammer' sa 'Jojowain o Totropahin' challenge ni Barbie sa kaniyang vlog noong 2020.

Kaya nang i-post ni Xian ang kaniyang blind item tungkol sa influencers na naghiwalay dahil sa isang Star Magic artist, ang naisip ng mga Marites ay si Barbie ang tinutukoy niya, matapos ang isa pa niyang Facebook post na nag-good night siya sa lahata, maliban kay Barbie Imperial.

Paliwanag naman ni Xian, bitag lamang niya iyon para mapalabas sa kaniyang hawla si Diego, at depensahan ang kaniyang jowa. Bagay na nangyari na nga, kaya binitiwan na umano ni Xian ang kaniyang tunay na pasabog laban kay Diego---at heto na nga, na nililigawan umano ng aktor si AJ Raval habang sila pa ni Barbie.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/27/barbie-imperial-nagpaliwanag-bakit-nga-ba-may-sugat-sa-daliri-ni-diego-loyzaga/">https://balita.net.ph/2021/11/27/barbie-imperial-nagpaliwanag-bakit-nga-ba-may-sugat-sa-daliri-ni-diego-loyzaga/

Abangan na lamang ang full interview ni Boy Abunda kay Barbie sa darating na Nobyembre 30.