Nominado nang mapalabas sa Bahay ni Kuya ang kontrobersyal na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si TJ Valderrama, batay sa ginanap na 5th Nomination Night, nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 28.

Image
TJ Valderrama (Screengrab mula sa Twitter)

Makakasama ni TJ sa listahan ng mga nominado sina Alexa Ilacad, Karen Bordador, at first time nominee na si Samantha Bernardo.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Matatandaang ilang linggo na ring pinag-uusapan ng mga netizen ang umano'y di-magagandang aksyon at gawi ni TJ sa kaniyang kapwa housemate na si Shanaia Gomez, na nagpa-trending pa sa panawagang patawan na ng force eviction ang naturang housemate.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/23/netizen-sa-naging-aksyon-ng-pbb-kaugnay-ng-harassment-issue-wag-kayong-enabler/

Pati nga ang grupong Gabriela ay nanawagan na rin sa pamunuan ng PBB na aksyunan ang naturang mga isyu.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/21/umanoy-harassment-sa-loob-mismo-ng-pbb-house-nakarating-sa-gabriela/">https://balita.net.ph/2021/11/21/umanoy-harassment-sa-loob-mismo-ng-pbb-house-nakarating-sa-gabriela/

Samantala, pabiro namang nanawagan si TJ sa taumbayan, partikular sa kaniyang supporters, na dadalawa lamang. Ang isa raw ay ang nanay niya. Bagama't hindi niya binanggit ang isa, ipinagpapalagay na ang maaaring tinutukoy niya ay ang kapatid, o kaya ang jowang si Cherry Malaya.

Image
TJ Valderrama at Madam Inutz (Screengrab mula sa Twitter)

Speaking of Cherry, pinag-uusapan din ng mga netizen ang mga cryptic tweets niya, na nagpapahiwatig na tila ba hindi maganda ang kahahantungan ng kanilang relasyon ni TJ, kapag lumabas na ito sa Bahay ni Kuya at magkaharap na sila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/22/cherry-malaya-may-mensahe-sa-pamilya-ng-bf-na-si-tj-valderrama-sinoplak-ang-pbb/">https://balita.net.ph/2021/11/22/cherry-malaya-may-mensahe-sa-pamilya-ng-bf-na-si-tj-valderrama-sinoplak-ang-pbb/

Narito ang mga tweet niya:

"So ano na mga kaganapan? Di na kasi ako nanonood. Haha."

"Yung ingat na ingat ka sa lahat ng kilos at galaw mo kahit walang camera kasi mahal at may respeto ka sa tao. Pero yung nag-iisang akala mo pagkakaingatan ka, di ka prinotektahan. Ang sakit lang. Broken heart #LordSanaMataposNaoIto #Ideservebetter."

"Ayoko na po umiyak."

"Matagal na kong Malaya. Since birth pa actually."

"You got it all wrong. I'm not happy. I haven't been happy since this all started. That's why I'm leaving him. You think I enjoy swimming in all this crap your brother threw me in?! I don't care about fame. I just want my peace back."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/21/kapatid-na-babae-ni-tj-valderrama-umalma-sa-masasakit-na-mga-paratang-ng-netizens/">https://balita.net.ph/2021/11/21/kapatid-na-babae-ni-tj-valderrama-umalma-sa-masasakit-na-mga-paratang-ng-netizens/

Samantala, sa darating na Eviction Night ay dalawa kaagad ang mapapaalis.