Usap-usapan ngayon ang makahulugang Facebook post ng kontrobersyal na aktres na si AJ Raval nitong Lunes, Nobyembre 29.

Walang caption ang naturang Facebook post, pero naghuhumiyaw naman ang mensahe ng meme ng kaniyang ibinahagi. Nakalagay rito na 'Stay away from my man!' at ang 'Her man' na tinutukoy ay maihahalintulad sa isang kakaibang nilalang na may mahabang nguso.

Tanong ng mga netizen, ito kaya ang sagot ni AJ sa panawagan ni Barbie Imperial sa kaniya na magsalita na sa isyu ng pagiging 'kabit' niya sa relasyon nila ni Diego Loyzaga?

Hindi pa man lumalabas ang full interview ni King of Talk Boy Abunda kay Barbie Imperial para sa 'The Best Talk' ng Cinema One, pinapipiyestahan na sa TikTok ang video clip ng pahayag ni Barbie hinggil sa isyung sinasabi ni Xian Gaza tungkol kay Diego Loyzaga; na niligawan ng aktor si AJ Raval habang sila pa ni Barbie Imperial.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/">https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/

"Ahmmm, yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!" matapang at diretsang pahayag ni Barbie.

Inamin din ni Barbie na dati silang magkaibigan ni AJ, dahil matalik niyang kaibigan ang ex-jowa nitong si Axel Torres, kaya tinanggap din nila ito sa circle of friends nila.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Xian Gaza si AJ.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/29/xian-gaza-bumwelta-kay-barbie-bakit-hindi-si-diego-ang-magsalita/">https://balita.net.ph/2021/11/29/xian-gaza-bumwelta-kay-barbie-bakit-hindi-si-diego-ang-magsalita/

Hinamon ni Xian ang mismong boyfriend ni Barbie na si Diego na siyang magsalita hinggil sa isyu.