Sa ulat ng Philippine Concerts nitong Linggo, Nob. 28, opisyal na naaabot ng all-female Korean pop group BLACKPINK ang 70 million Youtube subscribers mark.

Unang naungusan ng grupo bilang most subscribed artist sa Youtube ang American pop superstar na si Justin Bieber noong Setyembre na noo’y mayroong 65.1 million subscribers sa nasabing video and music platform.

Dalawang buwan lang ang lumipas, tumabo ng dagdag limang million na Youtube subscribers ang grupo na ngayo’y may hawak ng record na tanging music artist na umabot ng 70 million subscribers mark.

Taong 2016 nang mabuo ang Official Youtube channel ng grupo.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Ang BLACKPINK ang nasa likod ng mga global hit songs na “How You Like That,” “Boombayah,” “Kill This Love,” “DDU-DU-DDU-DU” bukod sa iba pa.

Binubuo ang grupo nina Lisa, Jennie, Jisoo at Rose.