Kasunod ng paglipad ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez ng bansang Israel nitong Sabado ng gabi, Nob. 27, ang kumpirmasyon sa isang blind item mula sa entertainment website na PEP ang inaabangan na rin ngayon sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa bansang Israel.

Ayon sa Pep PH, isang sikat na lokal na aktres mula sa GMA Kapuso Network umano ang nakatakdang bumiyahe sa bansang Israel upang maging isa sa mga opisyal na hurado ng kompetisyon ngayong taon.

Dagdag pa nito, “Ito ang kauna-unahang pagkakataong mapapalayo ang aktres mula sa kanyang asawa at mga anak, at unang biyahe rin niya sa labas ng bansa buhat nang magkaroon ng coronavirus pandemic.”

Sa limitadong detalye ng blind item, si Marian Rivera ang nangunang hula ng pageant fans at netizens.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Maliban sa kasikatan ng aktres sa telebisyon at pelikula, matagumpay na negosyante at hands-on na ina si Marian sa kanilang dalawang anak ng kapwa aktor na si Dingdong Dantes.

Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Miss Universe Organization, excited na ang fans sa nalalapit na coronation night ng Miss Universe sa Israel sa darating na Disyembre 12.