Pinuri ni Manay Lolit Solis ang acting prowess ng alagang si Paolo Contis sa bago nitong seryeng 'I Left My Heart in Sorsogon' na umeere na sa GMA Telebabad ng Kapuso Network, kasama sina Heart Evangelista at bagong Kapusong si Richard Yap.

Bilang talent manager ni Paolo, syempre nga naman, siya umano ang unang maniniwala sa kakayahan at professionalism ni Paolo. Hindi lamang sa ILMHIS ang pinuri niya kundi ang kakayahan nitong magpatawa sa Bubble Gang.

"Ang galing-galing talaga ni Paolo Contis sa I Left My Heart in Sorsogon, Salve. Ang husay ng delivery niya ng dialogue at ang galing ng subdued acting niya. Mahusay din siya sa Bubble Gang bilang komedyante. Talagang isa siyang artista na madali makuha ang timpla ng trabaho niya," ayon sa Instagram post ng showbiz columnist-talent manager.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Paolo Contis (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

Bagama't kontrobersyal umano ang personal na buhay ng aktor, hindi naman daw makukuwestyon ang galing at professionalism nito sa trabaho.

"Isang bagay ang hahangaan mo kay Paolo Contis iyon dedication niya sa trabaho, professionalism niya at hindi siya nasa side track ng mga bumpy things sa buhay na nadaraanan niya. Kaya naman meron siyang tatak sa bawat trabaho niya. Batang showbiz siya na dito na lumaki sa industriya kaya naman halos lahat mahal at kilala siya."

Kaya naman, may payo rin siya sa alaga.

"Sana nga kahit ano pang storm ang dumating sa kanya malagpasan niya. Sige Paolo Contis, basta Friends lang, huwag ka na seryoso para wala na sakit ulo, trabaho na lang. Basta iyan love, darating din, sa tamang panahon. Wait ka lang."

Samantala, nagbigay naman ng reaksyon at komento rito ang mga netizen, lalo na't ang ginamit na litrato ni Lolit ay ang kontrobersyal na IG story ni Paolo kung saan sinasabing magkasama umano sila ni Yen Santos sa isang birthday dinner, para ipagdiwang ang kaarawan ng aktres.

Nakuwestyon tuloy ng mga netizen ang pagiging ama naman ni Paolo sa kaniyang mga anak.

"Oo mahusay siyang artista pero sa totoo buhay, wala siyang kwentang ama. Paaano kaya nakakaya ng konsensya niya, di man lang makapiling mga anak nia… Well, darating yung araw kapag kailangan niya mga anak, wala nang paki sa kanya."

"Kaya ako, hindi nanonood maski paborito ko sina Heart at Sir Chief dahil sa alaga mo. Kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya."

"Magaling naman talaga siya. Kaya lang, kinukunsinte n 'yo na naman si Paolo. Haha."

"Galing talaga ni Paulo, sana ganun na lang ang karakter n 'ya sa tunay na buhay. Hahaha!"

"Sana iba na lang at hndi siya ang kinuha for that show, gusto kong manood pero ayoko na nakikita siya."

Samantala, may mga nagtanggol din naman sa aktor at sinabing ihiwalay na lamang ang pagtingin sa kaniyang personal at propesyunal na buhay. Panoorin umano ang serye niya dahil maganda umano ito at huwag na lamang isipin ang mga isyung naipukol dito nitong 2021. Unfair naman daw sa shows na kinabibilangan nito kung hindi panonoorin o tatangkilikin, wala naman daw kinalaman sa mga isyung kinasangkutan ng aktor.