Sa YouTube channel ni Kylie Padilla na inilabas nitong Sabado, November 27, na pinamagatang "The Conversation I Never Had with my Papa," kinapanayam niya ang kanyang amang si Robin Padilla.

Sa harapan ng mag-ama, naging usapan ang tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica. Bagama't hindi binabanggit ang pangalan ng kanyang estranged husband more or less sa kanyang ex, sumentro ang mga tanong ni Robin sa anak. Gaya ng tanong ni Robin sa kanya, “Pero okay na kayo?”

Kylie Padilla at Robin Padilla (Screengrab mula sa YT)

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Sagot ni Kylie, “Okay na kami, yes. okay na kami. Thank God!”

Tila hindi tanggap ni Robin ang sagot ni Kylie dahil bilang ama, ramdam ng aktor ang totoong saloobin ni Kylie.

Kaya tanong ng aktor, “Sige nga, tinitingnan kita sa mata, kasi hindi ka makakapagsinungaling sa akin, e."

Buwelta naman ni Kylie: “Okay na po talaga, Pa, promise. Ayoko nang mag-ano… basta ang importante, okay kami [para] sa mga bata.”

Tanong muli ni Robin: “Masakit pa, masakit pa?”

Na sinagot naman ng anak na: “To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga doon sa nangyari sa amin is never ko nang mae-enjoy yung pinapanood ko silang naglalaro."

“Yun lang, kasi alam ko talaga nang dumating yung time na hindi na siya nagwo-work. But, bilang nanay, 'Oh my God, give me a few minutes…' Yun lang, kasi favorite ko yung pinapanood ko yung mga anak ko at tatay nila na magkasama."

“Yun lang talaga yung isang bagay na nagtatanong ako, 'Tama ba ito or hindi?' Pero kung titingnan ko as a whole, mas maganda yung nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic."

“Mahapdi sa aking puso na hindi ko na yun makikita, nae-enjoy in that way na buo kami.Mas happy na ako ngayon, realistically, kasi after ng mga nangyari, hindi na ako makakabalik doon, e, sa kung paano ako before. Masyado nang maraming nangyari," mahaba niyang esplika.

"Ako naman yata ngayon ang malulungkot? So, wala na talagang pag-asa?” sagot ni Robin.

Sagot ni Kylie, “No, no. It’s best for what it is now kasi tinitingnan ko rin [na] in the future, maging friends kami talaga.", paniniyak ng aktres."

Ador V. Saluta