Isang kandidatosa pagka-konsehal sa Pampanga at pamangkin ang napatay nang pagbabarilin sila ng mga hindi nakikilalang lalaking sakay ng nakasalubong na kotse sa San Simon, nitong Sabado umaga.
Ito ang kinumpirma ng pulisya at kinilala ang dalawang biktima na sinaRogelio Salvador Jr., 42, dating kapitan ng Barangay Concepcion at kakandidato bilang miyembro ng Sangguniang Bayan sa nabangit na lugar at Joel Salvador.
Isinugod din sa ospital ang kasamahan sa kotse ng dalawa na si Arnel Caparas.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, binabagtas ng tatlo ang Bambang Road lulan ng kanilang sports utility vehicle patungong Brgy. San Jose nang makasalubong ang isang kotse at bigla na silang pinagbabaril..
Kumakandidato si Salvador at ka-ticket si acting mayor Leonora Wong sa Kambilan party.
Naglunsad na ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaril.