Talaga nga namang hindi paaawat ang mga 'love birds' na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano sa pagbabahagi ng kanilang mga sweet moment bilang couple sa social media!

Kamakailan lamang ay inamin mismo ng premyadong aktor at host na si Edu Manzano na magkarelasyon na sila ni Cherry Pie, na kasama niya sa teleseryeng 'Marry Me Marry You'. Tila nauwi na nga sa totohanan ang kanilang role doon na dating mag-asawa, pero in real life, mag-jowa na talaga na sila!

Makikita sa latest Instagram post ni Cherry Pie ang mga larawan nila ni Edu kasama ang ilang mga kaibigan. Makikita rin na tila magkasama sila sa isang boat trip.

"My Winter Haven, Florida visit was definitely heavenly! It was so nice to touch base with dearest friends who have become family," ayon sa caption ni Cherry Pie sa kaniyang Instagram post.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Edu Manzano at Cherry Pie Picache (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)

Edu Manzano at Cherry Pie Picache (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)

Edu Manzano at Cherry Pie Picache (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)

Edu Manzano, Cherry Pie Picache at mga kaibigan sa Florida (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)

Umugong ang chismis na may namamagitan sa kanila ni Edu nang ibahagi niya sa kaniyang IG ang isang litrato kung saan makikitang nakasandig siya sa balikat ng aktor, sa isang trip sa New York City, nitong Nobyembre 11.

Kinumpirma naman ni Edong ang chismis na ito sa isang text message sa News 5 broadcaster na si Cheryl Cosim nitong Nobyembre 19.

Well, wala naman umanong masama sa kanilang relasyon. Pareho naman silang single at hiwalay sa kani-kanilang mga naging partners, though may mga junakis sila pero malalaki na rin naman.

Sabi nga, 'Go lang nang go!' Wala namang edad ang pag-ibig, 'di ba?