Mukhang may mamumuong 'away' sa pagitan nina Barbie Imperial at AJ Raval, na aabangan na naman ng mga 'Marites and friends' sa mga susunod na araw.

Hindi pa man lumalabas ang full interview ni King of Talk Boy Abunda kay Barbie Imperial para sa 'The Best Talk' ng Cinema One, pinapipiyestahan na sa TikTok ang video clip ng pahayag ni Barbie hinggil sa isyung sinasabi ni Xian Gaza tungkol kay Diego Loyzaga.

Screengrab mula sa TikTok/Cinema One

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ayon kay Xian Gaza, nililigawan umano ni Diego ang co-star niyang si AJ Raval na nakatambal niya sa pelikulang 'Death of a Girlfriend' kahit na sila pa ni Barbie. Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit umano sila nagjombagan sa isang hotel noong Nobyembre 1, bagay na pinabulaanan naman nina Barbie at Diego.

Paliwanag ni Barbie sa panayam ng 'Push' sa kaniya, ang sugat sa kamay ng jowa ay dahil sa pagkaka-aksidente nito sa gym.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/27/barbie-imperial-nagpaliwanag-bakit-nga-ba-may-sugat-sa-daliri-ni-diego-loyzaga/">https://balita.net.ph/2021/11/27/barbie-imperial-nagpaliwanag-bakit-nga-ba-may-sugat-sa-daliri-ni-diego-loyzaga/

Sa video clip na kumakalat mula sa panayam ni Tito Boy, mukhang tinatawag ni Barbie ang atensyon ni AJ upang magsalita na sa isyung ipinupukol ni Xian.

"Ahmmm, yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!" matapang at diretsang pahayag ni Barbie.

May pakiramdam umano si Barbie na sa pananahimik ni AJ, parang gusto pa nito ang mga nangyayari.

"Parang for me, parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego?"

Nabalitaan din umano ni Barbie na 'magkaibigan' sina AJ at ang gumagawa sa kanila ng isyu na si Xian.

"And I heard, I have a proof na… AJ and Xian Gaza are friends and maybe they talk about, feeds him na mga info na mga chismis… so ako, parang sa akin 'Ohhh… gusto mo pala 'to, parang ganoon."

Inamin ni Barbie na magkaibigan sila ni AJ… noon.

"Actually friend ko siya noon. Kaibigan ko siya noon. Ahm, tinanggap namin siya, sobrang binaby namin siya sa grupo namin, kasi nga, ano, ahm, girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel (Torres), so tinanggap namin siya… so nagulat lang ako na ang daming nangyayari, na… okay, gusto mong maging kabit… eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko… so 'yun," wika ni Barbie.

Samantala, si Xian Gaza naman ay may makahulugang Facebook post nitong Nobyembre 28 ng gabi.

"Just woke up from my 8 hours of sleep. Sobrang himbing ng tulog kapag alam mong may mga sinisira kang buhay," aniya.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

At nito ngang 8:00 ng gabi, bumuwelta kaagad si Xian Gaza hinggil sa mga patutsada ni Barbie. Tinawag niyang 'fake news' ang girlfriend ni Diego Loyzaga.

"Barbie Imperial fake news ka, Sis. Ginawa mo pang source si AJ Raval hahaha! As a matter of fact, sobrang nagalit siya sa akin after ko i-post ang exposé pero sineenzone ko na lang para wala nang mahabang usapan pa. Pinili lang niya siguro manahimik ngayon dahil sobrang natuto na siya last time noong tsinismis ko sila ni Aljur Abrenica."

Hinamon naman ni Xian si Diego Loyzaga, na ito ang magsalita hinggil sa isyu.

"Bakit hindi si Diego Loyzaga ang magsalita sa publiko na hindi totoo ang mga sinasabi ko? Bakit si AJ?

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

May be an image of 1 person and text that says 'THE EST TALK SEASON 'YUNG ABOUT KAY AJ RAVAL, FOR ME KASI, IF WALA KANG KINALAMAN, OR ALAM MO NAMAN NA HINDI KA KA NI DIEGO, MAGSALITA KA. FOR ME, BAKIT PARANG GUSTO MO NA NANGYAYARI TO LAHAT, NA NAGKA- 'THING' KAYO NI DIEGO? AND HEARD, HAVE A PROOF NA AJ AND XIAN GAZA ARE FRIENDS. SHE FEEDS HIM MGA INFO NG MGA TSISMIS, -BARBIE IMPERIAL'
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Wala pa namang sagot o pahayag si AJ Raval tungkol sa isyung ito. Pero ang isa ang malinaw: tiyak na may aabangan na naman ang Marites and friends sa Nobyembre 30!