Nagbigay ng kaniyang 'unsolicited advice' ang tinaguriang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, sa birthday nito sa susunod na taon.

"Heaven Peralejo, next year ang i-caption mo na lang ay 'Happy 23rd birthday to myself!' para wala nang maging problema."

"May pa-rotation rotation revolution chenelin around the sun ka pa kasi diyan."

"Anyway, belated happy 22 EDSA Revolution sa 'yo," pahayag ni Xian sa kaniyang Facebook post.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

At mukhang ginamit pa niya ito para sa panibagong Facebook post kung saan nakatulog daw siya sa loob ng 1/4 rotation.

"Just woke up. I slept 1/4 rotation around the sun hehe. How about you, guys?" ani Xian.

Matatandaang naging kontrobersyal ang birthday message ni Heaven para sa kaniyang sarili.

Kaugnay kasi ito sa malikhaing caption para sa ika-22 taong kaarawan niya, na na ibinahagi naman niya sa social media, kung saan, sinabi niyang '22 rotations around the sun' ang pagkakalarawan niya sa kaniyang edad, na umani naman ng batikos at pagtatama mula sa mga netizen.

Agad naman niya itong naituwid, at nagpasalamat sa mga netizen dahil sa 'science lesson' na nakuha niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/27/heaven-peralejo-thank-you-for-the-science-lesson-guys/

Lumabas din ang paliwanag ng Earth Shaker hinggil dito. Ang Earth Shaker ay isang non-profit youth organization na naglalayong magbigay ng mga detalye, impormasyon at trivia tungkol sa Earth Science at iba pang mga science-based facts.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/27/earth-shaker-ipinaliwanag-ang-pagkakaiba-ng-rotation-at-revolution/