Tila binawi ng showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis ang pahayag niyang dapat na sigurong ikondisera ni Cong. Albee Benitez na tsugihin na sa ere ang noontime show na 'Lunch Out Loud', na sinuportahan naman ng kaniyang kasamahang si Cristy Fermin, sa isa sa mga episode ng 'Take It Per Minute: Me Ganun!'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/25/cristy-fermin-tinawag-na-bully-crawford-si-billy-crawford-wala-na-kong-pakialam-dyan/

Napag-usapan kasi nila ang nangyaring insidente sa pagitan ng mga hosts nito na si Billy Crawford at Jeffrey Tam. Nagkaroon ng ceack sa spine ni Jeffrey dahil sinipa umano ni Billy ang balikbayan box na pagbabagsakan sana nito. Nagbibiruan kasi sila habang nagte-taping.

"Alam mo ba Salve na dapat talaga pag outsider ka dapat alam mo na iba ang humor ng magkakasama sa set ng isang taping o shooting. Nabigyan ng masamang kulay iyon biruan nila Billy Crawford at Jeff Tam sa Lunch Out Loud dahil nga sa aksidenteng nasaktan si Jeff sa ginawang biro ni Billy," ani Manay Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 26.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Napagtanto raw niya na madadamay pa ang production team at baka mawalan pa ng trabaho.

"Gusto ko mag-sorry dahil nasabi ko pa na sana iwanan na ni Papa Albee Benitez ang pag-produce ng show dahil nga I find that incident na very improper. Ngayon ko naisip na kawawa naman ang production staff na mawawalan ng trabaho kung sakali, at hindi naman siguro magbibiruan nang ganoon ang mga tao kundi sila close sa isa’t isa. "

"Siguro naman kahit si Papa Albee napamahal na sa lahat ng kasali sa show, at sa mga tao sa production kaya tiyak na protektado niya ang mga ito. Sana nga ay magtagumpay na at patuloy na umangat ang rating ng LOL para makipaglaban pa ng sabayan sa ibang lunchtime show sa TV. "

May paalala naman siya sa mga hosts ng show.

"Hayan ha, huwag ng magbiruan ng nakakasakit para hindi mabigyan nang masamang kulay, pag may nasaktan, magiging issue pa. Sige na, watch na ng LOL ng Brightlight Production ni Papa Albee Benitez, para produce pa siya ng mas maraming shows after election. Bongga di ba ms PatP!!"

Ayon naman sa panayam ni Jeffrey Tam kay Ogie Diaz, maayos naman na raw ang kaniyang kalagayan, at maayos din naman ang relasyon nila ngayon ni Billy Crawford.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/25/jeffrey-tam-nagkalamat-ang-spine-bad-trip-nga-ba-kay-billy-crawford/

"Para sa akin kasi noon, wala na akong naisip na magagalit ako dito, magagalit ako diyan. Alam mo 'yun? Parang ang unang inisip ko na lang na thank you Lord kasi safe pa rin ako sa kabila ng nangyari na pagbagsak ko, hindi ako nabaldado, 'di ba? Hindi na pumasok sa isip ko 'yun na mag-aaway-away pa kami dahil sa ganyan," ani Jeffrey.