Pinalagan ni Kim Chiu ang isyung intensyunal umano ang pag-post niya umano sa IG story kung saan makikitang binabaklas ng ilang maintenance worker ng ABS-CBN ang larawan ni Bea Alonzo na naka-display sa hallway ng ABS-CBN compound.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/25/litrato-ni-bea-alonzo-sa-abs-cbn-hallway-binaklas-na/">https://balita.net.ph/2021/11/25/litrato-ni-bea-alonzo-sa-abs-cbn-hallway-binaklas-na/

Usually, ginagawa ng Kapamilya network ang paglalagay ng mga photos ng kanilang contract stars bilang pagpupugay o pagtanaw ng utang na loob sa kanila gaya nina Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Enrique Gil, Liza Soberano, Boy Abunda, Vice Ganda at marami pang iba.

Nagkaroon ng isyu ang nasabing posting dahil naglabas ng artikulo nitong nakaraang araw ng Huwebes, November 25,2021 ang isang gossip site na may titulong: “Kim Chiu Posts then Deletes Removal of Bea Alonzo’s Portrait along ABS-CBN hallway".

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad din itong ni-repost ng araw na 'yun sabay react ng: "Ginawan pa 'ko ng issue. Mag 2022 na powz. Peace and calm na lang tayey. [laughing with sweat emoji] pag keri. [laughing with sweat emoji] love love love!”

Dahil dito, sunud-sunod na rin ang mensahe ng ilang netizens. Ang iba'y kumakampi kay Kim, at nakakaintindi sa It's Showtime co-host na anila'y ang kanyang pagpo-post ay na-misinterpret ng ilan. May ilan namang bumatikos at nagsabing insensitive daw ang actress-host sa ginawa nito.

May ilang nakakaintindi sa singer-host na ang katuwiran ay natural namang tanggalin ang larawan ni Bea sa hallway dahil wala na ito sa ABS-CBN at lumipat na sa ibang TV network. Pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 noon pang July 2021 after two decades being a Kapamilya.

Pagkatapos i-delete ni Kim ang video nitong Huwebes ng gabi, kinabukasan naman ng Biyernes, November 26, 2021, muli niya itong ipinost sa kanyang Instagram Story.

May mga sumunod pang post si Kim, bilang pagsang-ayon sa kanyang supporters na nilagyan ng malisya ang pag-post niya ng video.

Hindi naman nagpapaapekto si Kim sa mga namba-bash sa kanya at sey nito sa kanyang mga supporters: “Keri lang yan marsy!"

“Mas maraming pwedeng isipin at pag laanan ng time like kung paano uunlad ang buhay natin!”mahinahon nitong mensahe.

Ador V. Saluta