Usap-usapan ngayon ang Instagram post ng dating 'It's Showtime' director na si Direk Bobet Vidanes noong Nobyembre 5 kung saan makikita ang larawan nila nina Billy Crawford at Kuya Kim Atienza, na mga dating host sa naturang noontime show.

May caption ang IG post na "We are together… forever… Good friends! TRUE friends! Good to be with you guys…"

Direk Bobet Vidanes, Billy Crawford, at Kim Atienza (Screengrab mula sa IG/Bobet Vidanes)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang 'forever…' ay bahagi ng lyrics ng naging Christmas station ID ng Kapamilya Network na 'Family is Forever'. Kapansin-pansin din na all-caps ang salitang TRUE.

Kapansin-pansin din na naka-limit lamang ang comment section nito.

Tanong mga netizen, paano naman sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at iba pang mga It's Showtime host?

Batay kasi sa mga lumabas na chika simula nang lisanin ni Direk Bobet ang noontime show at lumipat sa kalaban nitong 'Lunch Out Loud' kung saan lead TV host si Billy Crawford, hindi na tinantanan ng isyu ang 'nalamatang' ugnayan ni Direk sa iba pang mga IS hosts gaya ni Vice Ganda.

Matatandaang nitong anibersaryo ng LOL, inilabas ni Direk Bobet ang kaniyang dahilan kung bakit siya umalis sa It's Showtime dahil umano sa 'toxic environment' doon. Marami umano ang nagdedesisyon na hindi naman niya pinangalanan kung sino.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/

Ang batikang showbiz columnist naman na si Cristy Fermin, ibinunyag ang isyu tungkol naman sa mga di-magagandang salitang sinasabi ni Direk Bobet kina Vice Ganda, Vhong Navarro, at sa iba pang staff sa dating noontime show.

Lalo pang lumutang na may isyu si Direk Bobet sa dating mga kasamahan sa It's Showtime nang bigyang-kulay ng mga netizen ang makahulugang komento ni Kuya Kim Atienza sa shared Facebook post ng co-host niyang si Camille Prats, hinggil sa panibagong achievement ng kuya niyang si John Prats, bilang pinakabagong direktor ng 'FPJ's Ang Probinsyano'.

Pero agad namang dumipensa rito si Kuya Kim at sinabing magkaibigan sila ni Direk Bobet pero hindi siya magsasabi nang anumang mga masasalitang salita laban sa Showtime family.

Samantala, sa ilang mga episode ng It's Showtime ay may mga banat din si Vice.

Noong opisyal na nai-welcome si Ogie Alcasid bilang isa sa mga dagdag na main host, sinabi ni Vice na walang dapat ikabahala si Ogie dahil alam ito ng kanilang bagong direktor na si John Moll.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/vice-ganda-rumeresbak-nga-ba-kay-direk-bobet-sa-kaniyang-pasaring-sa-its-showtime/

Sa November 17 episode naman, sa 'Madlang Pi-POLL' segment, isa sa mga tanong ay kung ano ang mas ayaw mo: fake friends o fake news? Napansin ni Vice na arang 'gigil na gigil' daw ang isa sa mga co-host niyang si Jugs Tugueta kaya tinanong niya ito.

Vice Ganda (Screengrab mula sa YT/It's Showtime

"Anong ayaw mo, Jugs?" tanong ni Vice.

"Fake friends!" sigaw ni Jugs.

"Oooyyyyy!!!" reaksyon naman ni Teddy Corpuz.

"Meron ka ba niyon?" untag sa kaniya ni Amy Perez.

"Wala, wala, wala… iyan yung mga ina-unfriend kaagad…" sabi ni Jugs.

At sumegunda naman si Vice, "Yes! Tapos nagsasama-sama sila…" na ikinatawa naman ng mga host.

Maya-maya, tinanong naman ni Vice si Teddy kung bakit pinili nito ang 'fake friends'.

"Sa dami ng mga pinagdaanan natin dati at sa mga pagdadaanan pa natin, ang kailangan natin ay totoong kaibigan", wika ni Teddy. Napa 'Yessss!!!' naman dito si Vice at ang iba pang mga host.

At bumanat pa si Teddy, "Guys, ito lang masasabi ko. I hope this is real."

"And forever?" muling giit ni Vice.

"Oo… please lang, please lang… I hope this is real," muling giit ni Teddy.

At muli na namang bumanat si Vice.

"Hindi… to be fair naman sa inyong lahat," saad ni Vice sa mga kasamahang hosts. "Napanindigan na natin 'yan, yung simula't sapul na real and forever, napapanindigan natin ngayon 'yan."

"Ilang taon na natin iyan… nalampasan natin," saad naman ni Tyang Amy.

Ang IG post nga ba ni Direk Bobet ang pinaghuhugutan ng biruang ito ng It's Showtime hosts?

Napabalita rin na nag-unfollow sa isa't isa sina Vice Ganda at Billy Crawford sa kanilang Instagram account.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/vice-ganda-at-billy-crawford-inunfollow-ang-isat-isa-sa-ig/