Ipinaliwanag ni Barbie Imperial kung bakit nga ba may sugat sa daliri ng kaniyang jowang si Diego Loyzaga, sa eksklusibong panayam ng 'Push' ng ABS-CBN.

Usap-usapan kasi ang naging mga paratang ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian gaza, na kaya raw may sugat ang daliri nito sa isang kamay, ay dahil sa umaatikabong away nila sa isang hotel, na ultimo TV raw ay nawasak dahil binato ng bote ng wine, noong Nobyembre 1.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/22/xian-gaza-may-bagong-pasabog-diego-niligawan-si-aj-habang-sila-pa-ni-barbie/">https://balita.net.ph/2021/11/22/xian-gaza-may-bagong-pasabog-diego-niligawan-si-aj-habang-sila-pa-ni-barbie/

'Resibo' umano sa chismis ang isang litrato na ipinost ni Diego kung saan makikitang tila may sugat nga siya kamay, at makikitang may kaunting pasa naman si Barbie malapit sa kaniyang kilikili.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

This image has an empty alt attribute; its file name is barbie-2.jpg
Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Larawan mula sa Balita Online)

Puno't dulo umano ng pag-aaway nila ay tungkol sa mga third parties na kinasangkutan umano nila. Kesyo si barbie umano ang third party sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, at si Diego naman, inaakusahang niligawan ang nakatambal sa pelikulang 'Death of a Girlfriend' na si AJ Raval habang sila pa ni Barbie. Take note, nagkukulong pa umano ang dalawa sa kuwarto ni AJ.

Kapansin-pansin nga sa mga latest photos ni Diego na may benda nga ang kaniyang daliri. Ngunit sa halip na i-call out si Xian, tila chillax lamang si Diego. Ipinakikita niya sa mga social media posts niya na okay naman sila ni Barbie, at dedma lamang sa mga isyung binibirada sa kanila.

Ayon kay Barbie, walang katotohanan ang mga sinasabi ni Xian. Naaksidente umano si Diego sa gym kaya ito nagkasugat, at pinabulaanan ang mga naglabasang chismis tungkol sa kanila.

Dagdag pa ni Barbie, siya mismo ang sumama kay Diego sa ospital matapos ang aksidente upang matahi kaagad ang sugat nito sa kamay. Marami umano ang mga saksi at makapagpapatunay nito.

“Sa amin ni Diego, parang hindi kami [affected]. Siguro nagkaroon ng time na, ‘Bakit ganun siya? Bakit siya ganito? Bakit niya tayo sinisira?’ Pero na-realize namin na masaya kami, eh. So sisirain talaga. Kapag merong insecure na tao, sisirain talaga. And walang katotohanan kahit isa [doon sa] sinabi ng tao na ‘yun," pahayag na lamang ni Barbie tungkol sa mga tirada ni Xian.

Hindi raw deserve ng boyfriend na si Diego ang mga isyung ipinupukol dito dahil sobrang bait at maalaga raw nito. Sa halip daw na magalit sila ni Diego kay Xian, awa raw ang nararamdaman nila dahil parang ang lungkot-lungkot ng buhay nito. Hindi rin umano ito nakakatawa kundi nakakaawa, matapang na pahayag ni Barbie.

Samantala, wala pa namang pahayag o komento si Xian Gaza tungkol dito.