Nakahanda at bukas si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pakikipag-dialogue kay Pangulong Rodrigo Duterte upang malinis at maipaliwanag ang mga isyung ibinabato sa kanya ng huli, kabilang ang paggamit umano ng cocaine ng isang presidential aspirant.

Sinabi ng Chief of Staff ng dating senador na si Vic Rodriguez, hanggang walang nagaganap na dayalogo at pag-uusap sa dalawa, walang komento ang magmumula kay Marcos hinggil sa pahayag ng Pangulo tungkol sa paggamit ng cocaine ng isang kandidato sa panguluhan.

Kamakailan, tinawag ni Duterte si Marcos bilang isang "mahinang lider" at hindi nagustuhan ang desisyon ng anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio, na maging katandem ni Marcos sa halip na tumakbo bilang presidente dahil mas mataas ang kanyang survey ratings kumpara sa dating senador.

Bert de Guzman

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20