Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mosyon ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na humihiling na baligtarin ang nauna nitong desisyon na nag-aabsuwelto kay dating PNP chief Oscar Albayalde.

Ito ay may kaugnayan sa reklamong pakikialam umano nito sa usapin ng pagkakakumpiska sa mga droga sa isang operasyon sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Sa inilabas na resolusyon ng Ombudsman nitong Nobyembre 25, sinabi nitong kinulang sa sapat na ebidensiya ang CIDG upang  humirit na bawiin ang naunang desisyon ng anti-graft agency. 

Bukod dito, kulang na sa panahon ang CIDG nang isampa nito ang motion for reconsideration batay sa isinasaad ng Rules of Procedure ng Office of the Ombudsman.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Beth Camia