Hindi nakaligtas si Paolo Contis maging sa kanyang sariling manager na si Manay Lolit Solis matapos tila ibunyag nito ang totoong score nila ng rumored girlfriend na si Yen Santos.

Sa programang “Take It…Per Minute, Me Ganun,” sinagot ni Lolit ang ilang katanungan ng kasamang host na si Mr. Fu ukol sa estado ng relasyon ng dalawa kasunod ng pagdiriwang ni Yen Santos ng ika-29 kaarawan nito kasama ang aktor kamakailan.

“Si Yen Santos, na ikinahihiya naman niya. Hindi niya maamin,” hayagang sabi ni Lolit nang mabanggit si Yen at Paolo sa diskusyon.

“Iniwan na ba ni Yen Santos ang kanyang mayamang ano, producer na jowa," tanong ni Mr. Fu.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kung talagang si Yen na at Paolo, talagang pinili ni Yen si Paolo over sa mayamang businessman?” dagdag nito.

“Mayaman din naman si Paolo,” ani Lolit.

“Mayaman siya sa utang,” segunda ng manager na sinundan ng tawanan.

Dito diretsahang tinanong ni Fu ang estado ng relasyon nina Yen at Paolo.

“Pero sa tingin mo si Yen na talaga at Paolo?” tanong ni Fu.

“Baka nagtitikiman,” sabi ng manager ni Lolit.

Nang sundan ng tanong kung bakit 'di pwedeng seryosohin ni Paolo si Yen, isang tanong din ang sinagot ni Lolit, “May sineryoso ba si Paolo?”

Samantala, ibinahagi rin ni batikang manager at kolumnista na muntik na rin umanong magseryoso si Paolo kay Lj.

“Ang kwinento niya actually ano talagang medyo kamuntik na talaga siyang maano [magseryoso] kay Lj. Talaga daw infairness, inalagaan siya nang mabuti. Maganda daw yong relasyon nila,” sabi ni Lolit.

Wala pang opisyal na anunsyo ang dalawa ukol sa isyu.

Matatandaang nakaladkad sa eksena ng hiwalayan ng Kapuso real-life couple na si Paolo at Lj Reyes si Yen Santos matapos ang mga lumitaw na larawan ng dalawa na magkama sa ilang lugar.