Tinatayang aabot sa tumataginting na P375 milyon na ang magiging jackpot prize na maaaring mapanalunan sa Ultra Lotto 6/58 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bukas ng gabi, Biyernes, Nobyembre 26.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, ito ay matapos na walang makakuha ng jackpot prize na mahigit sa P360 milyon nitong Martes dahil walang nakahula sa six-digit winning combination na 58-19-35-46-30-10.

Mayroon namang 21 mananaya ang nagwagi ng second prize na tig-P120,000 nang makahula ng tig-limang tamang numero.

Dahil walang nakakuha ng jackpot prize, inaasahan namang madaragdagan pa ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at aabot na sa mahigit P375 milyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang tiket ng Ultra Lotto 6/58 ay nagkakahalaga ng P20 at binobola ng PCSO tuwing Martes, Biyernes at Linggo, ganap na alas-9:00 ng gabi.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang PCSO games partikular na ang lotto upang sa halagang P20 lamang ay magkaroon na ng tiyansang maging susunod na instant milyonaryo at makatulong pa sa mga taong nangangailangan.

Mary Ann Santiago