Aminado ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa na umaatikabo at maiinit na 'dyugdugan scenes' ang mapapanood ng mga moviegoers sa kaniyang bagong pelikulang 'My Husband, My Lover' kasama sina Adrian Alandy, Cindy Miranda, at Marco Gumabao.

Nang mapanood umano niya ang trailer, nakaramdam umano siya ng kaunting takot, na baka magalit sa kaniya ang jowang si Jake Cuenca.

“Actually takot ako, noong una kasi, nang lumabas na (trailer) medyo na-shock din ako, so medyo natakot ako sa reaction niya. But surprisingly he was so supportive," pag-amin ni Kylie sa naganap na media conference para sa kanilang pelikula.

“And he was so proud of the movie, of the work I’ve done. So sobrang suwerte ko na sobrang supportive niya talaga sa career ko and all the decisions I make."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bagama't suportado naman siya, hindi na lamang daw manonood si Jake.

“Tao rin tayo so nahihirapan ang tao manood. But he’s so supportive and he doesn't give me a hard time. And proud siya ginagawa ko,” aniya.

In fairness naman daw, hindi lang naman daw puro dyugdyugan ang mapapanood sa pelikula. May lalim daw ang kuwento nito.

“The story is unique dahil in some part of the story her husband becomes her lover and her lover becomes her husband and I think 'yun yung isang very interesting twist ng story. Siguro, that’s why it’s called My Husband, My Lover."

“My character wants everything. As Alice gusto niya talaga lahat. She wants her husband and she wants her lover. If she can have both then it’s a perfect world.

“But as Kylie hindi ko kaya. That’s why naman na-enjoy ko yung character kasi it makes me explore things na hindi ko naman mae-explore in real life,” pahayag ng dalaga.

Matatandaang sa panayam naman kay Marco Gumabao, inamin niyang nagpaalam muna siya kay Jake bago nila gawin ni Kylie ang maiinit nilang eksena sa pelikula.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/26/marco-gumabao-nagpaalam-kay-jake-cuenca-para-makipaglampungan-kay-kylie-verzosa/

Mapapanood na ang pelikulang ito sa Vivamax sa darating na Nobyembre 26.