Aabot sa 27 na pagyanig sa palibot ng Taal Volcano ang naitala sa nakalipas na 24 oras.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Nobyembre 25, 23 sa nasabing pagyanig ay mahihina lamang, tatlo naman naitala bilang low-frequency at isa ang ikinokonsiderang low-level background tremor.

“Activity at the Main Crater was dominated by upwelling of hot volcanic fluids in its lake which generated plumes 900 meters tall that drifted southwest. Sulfur dioxide (SO2) emission averaged 1,727 tonnes/day on Nov. 24, 2021,” paliwanag ng Phivolcs.

Sa kabila nito, ipinaiiral pa rin ang Alert Level 2 ng bulkan na nangangahulugang masyado pa ring mapanganib ang paglapit o pagpasok sa ipinaiiral na permanent danger zone dahil sa posibleng pagbuga ng nakalalasong usok at abo.

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

"Entry into Taal Volcano Island, Taal’s Permanent Danger Zone or PDZ, especially the vicinities of the Main Crater, the Daang Kastila fissure, and extended stays on Taal volcano must strictly be prohibited,” pahayag pa ng ahensya.

Charie Mae Abarca