Nangako ang pamahalaan ng South Korea na magbibigay ng donasyong 539,430 doses ng AstraZeneca vaccine sa Pilipinas ngayong buwan upang mapaigting pa ng bansa ang isinasagawang pagbabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag ng Korean Embassy sa Manila, ang donasyong bakuna ay nakatakdang dumating sa Pilipinas sa Nobyembre 30.

"The Embassy of the Republic of Korea is happy to support the Philippine government as it seeks to inoculate 15 million Filipinos during the National Covid-19 Vaccination Days from November 29 to December 1, 2021.The donation is part of the joint efforts made by Korea and the Philippines to protect public health and support the local response to Covid-19 in the Philippines by vaccinating Filipino people," ayon sa pahayag ng embahada.

Sa inaasahang pagdating ng bakuna, aabot na sa ₱10.67 bilyong halaga ng COVID-19 assistance ang naibigay ng South Korea sa Pilipinas mula nang mag-umpisa ang pandemya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

PNA