May tugon na kaagad ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz kay Kuya Kim Atienza.

Sa showbiz vlog kasi ni Ogie na 'Showbiz Update', sinabi umano ng isang netizen na sa halip na magbitiw siya ng iba't ibang mga komento o parinig sa dating home network, ay ikampanya na lamang nito ang tatay niyang si dating Manila City mayor at congressman Lito Atienza, na tumatakbong bise-presidente, running mate ni Senador Manny Pacquiao.

Na sinang-ayunan naman ni Ogie.

"Pero kung tutuusin, may point. Dapat talaga tinutulungan na lang ni Kuya Kim. I-post niya yung daddy niya."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nabuksan naman ang usaping ito matapos nilang talakayin ang pagbatikos ng mga netizen kay Kuya Kim dahil sa 'shady' comment nito sa Facebook post ni Camille Prats, hinggil sa panibagong achievement ng kuya nitong si John Prats.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/22/kuya-kim-mayaman-ang-napangasawa-ko-i-became-known-because-of-abs-yes/

Kaya naman, sumagot dito si Kuya Kim sa pamamagitan ng tweet.

"Kumusta ka na? Congrats sa Youtube mo, very successful! Ogs, Kahit gusto kong tulungan ang Dad ko at kahit sinong kandidatong gusto ko, binabawal ng @gmanews ang any political activity such as campaigning lalo na sa kamag anak. Be well dear @ogiediaz."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/22/kuya-kim-nag-react-kay-ogie-diaz-ipinagtanggol-ang-abs-cbn-news/

Agad naman na nilinaw ni Ogie na hindi talaga sa kaniya nanggaling iyon kundi vinerbalize lamang niya.

Screengrab mula sa Twitter/Ogie Diaz

"Sabi 'yan ng isang netizen, Kuya KIm. I just verbalized it. I know sa news talaga, bawal ang kampanya. Ingat ka din."