Isinapubliko ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Miyerkules na negatibo ang resulta ng kanyang drug test.

"Today, I took a drug test that yielded negative of any illegal substances. This test, I took voluntarily upon the request of my Uniteam partner, Senator Bongbong Marcos, to support the call for transparency as aspiring public officials seeking the trust of our fellow Filipinos," pahayag ng alkalde.

Idinahilan nito, nagkakaisa at walang pag-aalinlangan ang Uniteam na BBM-Sara laban sa illegal drugs.

"This can be seen from both our negative tests as well as our common stance against the proliferation of illegal drugs and the need for effective measures of prevention, rehabilitation, and enforcement," sabi nito.

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

Matatandaang nagpa-cocaine test din si presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr. nitong Martes kung saan negatibo ang resulta nito ilang araw matapos isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang kandidato sa pagka-presidente ang gumagamit umano ng cocaine.