Iimbestigahan na ngChinese government ang insidente ng pangha-harass sa dalawang sasakyang pandagat ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa mga sundalong naka-base sa Ayungin Shoal kamakailan.

Ito ang isinupubliko ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana nitong Martes ng gabi, Nobyembre 23 at sinabi na si Chinese Ambassadorto the Philippines Huang Xilian ang mismong tumiyak na sisilipin ang insidente.

Nitong Martes, nagpadala ang Chinese government ng mga tauhan ng kanilang Coast Guard sa Ayungin Shoal at kinunan ng video at litrato ang isinasagawang resupply mission sa tropa ng pamahalaan na nakadestino sa naka-angklang BRP Sierra Madre.

"That he (Chinese Ambassador Huang Xilian) did not know about it and that he would make (an) inquiry," pahayag ni Lorenzana.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauna nang naiulat na nakarating na sa kaalaman ni Xilian na ang ginawang pagharang at pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa dalawang sasakyang pandagat ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission ay bahagi ng "pananakot at pangha-harass" sa mga tropa ng gobyerno.

Kamakailan, tiniyak ni Xilian sa Pilipinas na hindi na haharangin ng kanilang Coast Guard ang isasagawang resupply mission ng gobyerno sa naturang karagatang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Nilinaw din ni Lorenzana na hindi pa kailangan sa ngayon ang pagsasampa ng diplomatic protest laban sa China.