Ngayong 2021, ipinakita ni Bea Alonzo ang paglabas niya mula sa kahon ng kaniyang comfort zone.

Una na nga rito ang pag-alis niya sa Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN, at pagtungo sa ibang handler, na si Shirley Kuan, na hindi rin naman bago sa kaniya, dahil ito ang huma-handle ng mga commercial projects ni Bea at ng iba pang Star Magic artists.

Pangalawa, lumipat siya sa bagong tahanan niyang GMA Network, matapos ang halos dalawang dekadang pananatili bilang isang Kapamilya, sa ABS-CBN. Wala na ring kasiguraduhan kung matutuloy pa ba ang reunion movie nila ng perennial loveteam na si John Lloyd Cruz sa Star Cinema, na nauna nang i-anunsyo ng network sa pagpasok ng 2021. Gagawa na kasi ng pelikula si Bea sa GMA Pictures katambal si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Ipinakita ni Bea ang kakayahang magpatawa nang mag-guest siya sa 'Bubble Gang'.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

At ngayon naman, ginulat niya ang publiko nang ipakilala siya bilang pinakabagong 'Tanduay Calendar Girl 2022', na malayong-malayo sa kinasanayang imahen niya.

Image
Larawan mula sa Twitter/MQ Bea Alonzo

Image
Larawan mula sa Twitter/MQ Bea Alonzo

Image
Larawan mula sa Twitter/MQ Bea Alonzo

Image
Larawan mula sa Twitter/MQ Bea Alonzo

Image
Larawan mula sa Twitter/MQ Bea Alonzo

Image
Larawan mula sa Twitter/MQ Bea Alonzo

Image
Larawan mula sa Twitter/Bea Alonzo Stats

Image
Larawan mula sa Twitter/AROMACHELLE

Image
Larawan mula sa Twitter/Beadom

Tanong ng marami, magpapaseksi na ba siya? Ready na ba siya sa 'more mature' roles na kayang-kaya naman niyang dalhin sa pelikula at maging sa teleserye?

Makikita sa Instagram post ng naging direktor para dito, na dating Pinoy Big Brother housemate na si Fifth Solomon, ang pasilip sa larawan ni Bea.

"Nanlaban po tayo kay Tanduay New Calendar Girl, The Bea Alonzo!!! Was an honor directing you! Salamuch Tanduay!" wika ni Fifth Solomon.

Bea Alonzo at Fifth Solomon (Larawan mula sa IG/Fifth Solomon)

Ibinida rin ito ni Bea sa kaniyang Instagram account.

"The secret is out! I am the TANDUAY CALENDAR GIRL 2022! Woohooo!! Thanks to my Tanduay family for the warm welcome."

Screengrab mula sa IG/Bea Alonzo

Ano-ano nga ba ang reaksyon ng mga netizen sa panibagong milestone na ito sa showbiz career ni Bea?

"Sobrang deserved! at napaka-perfect for the cover girl."

"Ay wala na bang iba? I think she's too old for that."

"This year has really been a year of CHANGE. So proud of you, Bea. #TanduayCalendarGirl2022."

"Bakit kailangang gawin 'yan? Established actress ka na, unless may career move or career change ka na gagawin? Hindi ako sanay na pantasya ng bayan ang image mo…"

"Go lang Queen Bea! Anuman ang gawin mo, anuman ang maging desisyon mo, we are all here for you. We love you!"

Sabi nga ni Bea sa isa niyang Instagram post kung saan ipinakita niya ang larawan habang naka-bikini, ito raw ang 'year for CHANGE' para sa kaniya, at mukhang pinaninindigan niya.

"I have always been the type who would choose not to post photos of myself in swimsuits but since I declared this year as the year for CHANGE, I thought that maybe I should change the way I view myself," ani Bea.

"Maybe I should get rid of all my insecurities so I can live more. I want to forget how I hated myself for being 'fat' in other people's eyes and just remember the things that I love about my body."

Image
Screengrab mula sa IG/Bea Alonzo

Ang iba pang mga naging Tanduay Calendar Girls ay sina Ivana Alawi, Ellen Adarna, Jessy Mendiola, Bela Padilla, Erich Gonzales, Barbie Imperial, at Heart Evangelista.