Matapos ang mga espekulasyon nitong nakaraang buwan, kinumpirma na mismo ng girlfriend ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na si Kate Jagdon ang pagtatapos ng kanilang anim na taong relasyon.

Sa isang Instagram story nitong, Martes, Nob. 23, naglabas ng pahayag si Kate upang iwasan na kumalat pang kumalat ang mga "rumours at falsifications."

"These past few weeks have been the most difficult time of my personal life. It was a conscious decision to keep quiet, after all this is a personal matter and I chose my privacy above everything else," pagsisimula ni Kate.

Kasunod na kinumpirma ni international dj ang kanilang split ni Bea.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa Instagram story ni Kate Jagdon

"I don’t want to say anything more that fits anyone’s situation. This statement will be short before rumors and falsifications get out of our hands. Bea and I have parted ways. I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more," Ani Kate.

Pinasalamatan ni Kate ang kanyang mga kaibigan at kapamilya na naging sandalan niya patungo sa kanyang paghilom.

"I can’t thank my family and friends enough for holding my hand during this difficult time and I know you will continue to do s as I take the road to healing."

"We all go forward with love and respect and I wish Bea the best of luck in her journey. At this moment, please respect my privacy and this will be the last time I will address the issue. Thank you."

Nitong nakaraang buwan, ilang isyu pa kaugnay ng umano'y panunulot ng sariling kaibigan ni Kate kay Bea ang lumutang at umagaw ng atensyon sa social media.

Mula noon, hindi pa nagbibigay ng komento si Bea kaugnay sa mga isyu.

Maaalalang ilang MUP titleholders kabilang na si Rabiya Mateo at Catriona Gray ang napabalitaang nag-quits sa kanilang mga kanya-kanyang romatic relationships matapos makoronahan. Ilang netizens pa ang nagsabing tila may sumpa ang crown sa buhay pag-ibig ng mga beauty queens.