Hindi man hayagan na sinabi kung sino ang bet ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa pagkapangulo sa Halalan 2022, isang malinaw na mensahe ang binitawan nito sa isang reply sa Instagram kamakailan.

Matapos maglabas ng pahayag sa kinasangkutang sagutan ng fiancé na si dating DILG Secretary Mel Sarmiento sa dating na-link sa kanya na si Herbert Bautista, ipinaliwanag ni Kris ang ilang punto sa isang comment.

“Nag commit ako (pati rin siya [fiancé Mel Sarmiento]) na may tutulungan sa maraming paraan including sa pag-ikot ng Pilipinas slowly starting this January 2022,” ani Kris nitong Linggo bilang tugon sa isang comment.

Aniya pa, kulay pink din ang paboritong kulay ng kaniyang napupusuang kandidato sa pagkapangulo sa Halalan 2022.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Obviously alam nyo na kung sino ang aking tinutukoy kasi pareho na kami ng favorite color ngayon- I’m sure lahat ng followers ko alam kung ano yung forever favorite color ko #pink,” komento ni Kris.

Matatandaang kulay pink ang piniling kulay ng mga tagasuporta ni Robredo simula nang ianunsyo nito ang kandidatura para sa Halalan 2022.

Kamakailan ay nagpadala rin ng bulaklak si Kris sa pamamagitan ng panganay na anak na si Josh kay Robredo nang magtungo sa Tarlac ang bise-presidente.