Natatandaan mo pa ba ang gumanap na little Kris Aquino sa teleseryeng 'Hiram' at ang 'Goin' Bulilit' child star na si Hopia o Katrina Michelle Legazpi sa tunay na buhay?

Well, kung oo, hindi na siya child star kundi isa na siyang misis dahil ikinasal na siya sa kaniyang fiance na si Ryan Jarina, nitong Sabado, Nobyembre 20, 2021, sa Holy Trinity Episcopal Church sa Makati City.

"My Fairytale Wedding! Marrying the man I’ve prayed for," wika ni Hopia sa kaniyang Instagram post kalakip ang mga litrato niya habang naglalakad sa aisle patungong dambana.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Screengrab mula sa IG/Katrina 'Hopia' Legazpi

Katrina Legazpi at Ryan Jarina (Screengrab mula sa IG/Katrina 'Hopia' Legazpi)

Katrina Legazpi at Ryan Jarina (Screengrab mula sa IG/Katrina 'Hopia' Legazpi)

Tila naging reunion ang kaniyang kasal ng mga 'Goin' Bulilit', 'Luv U', at iba pang kasabayang Kapamilya stars na present sa naturang kasalan. Naispatan sa event sina Michelle Vito at ang boyfriend niyang si Enzo Pineda, Angeli Gonzales, John Manalo, at Igiboy Flores.

Naroon din si Badjie Mortiz na anak ng direktor ng GB na si Direk Edgar 'Bobot' Mortiz, na ngayon ay direktor naman ng 'Happy ToGetHer' na sitcom ni John Lloyd Cruz at iba pang Kapamilya artists sa GMA Network.

At present din ang sikat na Kapamilya actress na si Liza Soberano na isa sa mga bridesmaid.

"@trinalegaspi’s wedding yesterday was such a beautiful and unforgettable experience. Thank you for trusting me to be your bridesmaid. It was my honor. To more memories with you!!! Congratulations to the Jarina’s," pagbati ni Liza sa kaibigan sa kaniyang IG post.

Screengrab mula sa IG/Katrina 'Hopia' Legazpi

Ginanap naman ang reception sa Conrad Hotel sa Makati City pa rin.

"Thank youuuu for being super game! Ang effort ninyong lahat! Napasayaw ko pa kayo. Hehe! Sobrang love ko kayo!" ani Hopia.

Na-engage sina Hopia at Ryan noong Nobyembre 2020. Sinelyuhan na nila ang pitong taong relasyon.