Ipinakilala na ang bubuo sa cast ng 'Flower of Evil' nitong Linggo, Nobyembre 21.

Makikita sa opisyal na Instagram account ng Dreamscape Entertainment ang bigating cast members na bukod kina Piolo Pascual at bagong Kapamilyang si Lovi Poe, ay sina Robert Seña, Epy Quizon, Jett Pangan, Pinky Amador, Kit Thompson, Agot Isidro, Rita Avila at Denise Laurel.

Screengrab mula sa IG/Dreamscape Entertainment

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagama't wala sa naganap na cast reveal, kasama rin umano sina Joross Gamboa at Edu Manzano, na napapanood naman sa 'Marry Me Marry You'.

Si Denise ay isa sa mga naisamang listahan ng mga netizen na napipisil nilang maging Valentina, sa upcoming 'Darna: TV Series'. Heto na nga't may nakalinya naman pala siyang proyekto.

Ito ang unang beses na magtatambal sa isang proyekto sina Piolo Pascual at Lovi Poe na tinaguriang 'Precious Jewel' ng showbiz.

Ito naman ang ikalawang proyekto ni Lovi sa ABS-CBN dahil kabilang siya sa iWant movie na 'Malaya'.

Ang seryeng ito ay Pinoy adaptation mula sa hit Korean drama na 'Flower of Evil' na maaaring mapanood sa Netflix Philippines. Pinagbibidahan ito nina Lee Joon-Gi at Moon Chae-Won.

Samantala, excited na si Lovi sa lock-in taping nila. Ibinahagi niya sa Instagram ang scripts niya na nakalagay sa isang pink folder. Ibinida rin niya ang look test nila ng kaniyang katambal na si Papa Pi. Nakangiti at halatang kinikilig naman si Lovi kay Piolo na ayon sa kaniya ay matagal na niyang gustong makatrabaho, kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyektong ito nang lumipat siya sa Kapamilya Network.

Screengrab mula sa IG/Lovi Poe

Lovi Poe at Piolo Pascual (Screengrab mula sa IG/Lovi Poe)

Lovi Poe at Piolo Pascual (Screengrab mula sa IG/Lovi Poe)

Lovi Poe at Piolo Pascual (Screengrab mula sa IG/Lovi Poe)

Lovi Poe at Piolo Pascual (Screengrab mula sa IG/Lovi Poe)

Ito ang unang proyekto ni PJ sa ABS-CBN matapos ang pansamantalang paglipat sa ibang network (Sunday Noontime Live) at pagpirmang muli ng kontrata bilang isang Kapamilya. Hindi pa tiyak kung kailan siya babalik sa musical noontime show na 'ASAP Natin 'To' bilang isa sa mga host.