Pinag-uusapan ngayon ang kontrobersyal na aktres na si AJ Raval, matapos niyang i-tag ang kaniyang 'bagong crush'.

Ito kasing komedyanteng si Chad Kinis, may Facebook post na "Mention your crush let's see if he/she will reply. G!" nitong Nobyembre 22.

Screengrab mula sa FB/Chad Kinis

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At isa nga sa mga game na nakisagot ay si AJ Raval, na umani naman ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Hi crush Wilbert Ross," komento ni AJ na naka-tag sa kaniyang co-star sa pelikulang 'Crush Kong Curly' na ipalalabas ng Vivamax sa Disyembre.

Screengrab mula sa FB/Chad Kinis

Si Wilbert Ross ay unang nakilala bilang kalahok sa 'Pinoy Boyband Superstar' at kalaunan ay naging miyembro ng #Hashtags sa It's Showtime'.

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Paktay tayo diyan! Mukhang may bago na namang kahuhumalingan si AJ!"

"Excuse me AJ Raval, de porke't may palabas kayo crush na ahahahahaha chareng."

"Wow sana nga mapansin ka ni Wilbert Ross, ang bait niyan and para kayong dalawa na lang support."

"Akala ko ba si Aljur?"

"Paano na si Aljur? Eh si Diego?"

"Kawawang Aljur hindi tinag!"

Lately ay parang hindi na naiispatang magkasama sa litrato sina AJ at Aljur na kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa umpukan ng mga Marites and friends.

Samantala, wala pa siyang tugon sa panibagong ipinupukol na isyu ni Xian Gaza tungkol sa panliligaw umano sa kaniya ni Diego Loyzaga, na nakatambal naman niya sa pelikulang 'Death of a Girlfriend'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/22/xian-gaza-may-bagong-pasabog-diego-niligawan-si-aj-habang-sila-pa-ni-barbie/">https://balita.net.ph/2021/11/22/xian-gaza-may-bagong-pasabog-diego-niligawan-si-aj-habang-sila-pa-ni-barbie/

Pasabog ni Xian, dinadayo umano ni Diego si AJ sa bahay nila sa Pampanga at nagkukulong pa raw sila sa kuwarto. Nililigawan umano siya nito kahit na sila pa ni Barbie Imperial.