ISABELA-- Nakatanggap ng indemnification pay ang 631 na magsasakang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) nitong Martes, Nobyembre 23, 2021 mula sa Department of Agriculture Regional Field Office No. 02.

Sinabi ni Dr. Manuel Galang Jr., Veterinarian III at ASF Focal Person, na umabot sa P20,445,000 ang ipamamahagi sa Cauayan City na sumasaklaw sa 4,091 culled hogs.

 "Today marks the start of a massive distribution of indemnification for the farmers affected by ASF in the region," aniya.

Nauna rito, inilabas ng DA Central Office sa pamamagitan ng Department of Budget and Managemet ang P161 milyon mula sa contingent fund ng Pangulo upang mabayaran ang natitirang indemnification pay ng mga hindi pa nababayarang magsasaka.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

Umaasa si Galang na matatapos nila ang pamamahagi bago mag Disyembre 15, 2021.

Nagpasalamat si Vice Mayor Leoncio Dalin Jr. sa DA dahil sa ibinigay na financial assistance sa kanyang kinasasakupan, aniya, makatutulong ito sa pagbangon nila mula sa pagkalugi.

Liezle Basa Inigo