Ayaw paawat sa sunod-sunod na pasabog ang self-proclaimed 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza sa pagpuntirya ng mga chismis items sa aktor na si Diego Loyzaga.

Matatandaang inamin ni Xian sa kaniyang video message/opisyal na pahayag na naka-upload sa kaniyang Facebook account na intensyon talaga niyang banggitin si Barbie Imperial, sa kasagsagan ng isyu ng isang blind item hinggil sa nagkahiwalay na influencer, dahil alam niyang magre-react ang jowa nitong si Diego Loyzaga.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/18/barbie-at-christine-nagkampihan-xian-gaza-si-diego-ang-puntirya/">https://balita.net.ph/2021/11/18/barbie-at-christine-nagkampihan-xian-gaza-si-diego-ang-puntirya/

At nag-react na nga rito si Diego Loyzaga ganoon na rin si Barbie Imperial. Tila dedma lamang sila sa isyung isinisiwalat ni Xian.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Mukhang ayaw talagang paawat ni Xian. Sa latest TikTok video na kumakalat ngayon, hayagang sinabi ni Xian na niligawan ni Diego Loyzaga ang kontrobersyal na aktres na si AJ Raval, kahit sila pa ni Barbie Imperial.

"Dineny ba nila? Dineny ha…okay… (tawa), you can deny all you want Diego, niligawan mo si AJ Raval habang kayo ni Barbie Imperial… na inaraw-araw mo ang pagbisita sa Pampanga, nagla-lock pa kayo ng kuwarto (tili)," wika ni Xian.

Screengrab mula sa TikTok/Xian Gaza

Kailangan daw mag-deny ni Diego dahil may upcoming movie sina Diego at Barbie, kaya kailangan umanong ipakita sa publiko na ang going stonger ang kanilang relasyon.

"You can deny na nag-stay kayo in Tagaytay, na nagbugbugan kayo nang matindi, na malabo na ang relasyon ninyo… it's up to you… kailangan n 'yo 'yan eh, may upcoming movie kayo, kaya kapag nalaman ng mga tao ang katotohanan, lalangawin ang movie n 'yo… so kailangang mag-deny talaga (tawa)."

Kaugnay nito, may Facebook post si Xian na nagsasabing basag-basag umano ang mga gamit sa naturang hotel room dahil ultimo bote raw ng wine ay ibinato pa sa air-con. Kumalat din ang mga litrato ni Diego na nabebendahan ang kaniyang daliri at si Barbie naman ay may pasa sa braso, sa may bandang kilikili, bilang resibo umano sa matinding 'sagupaan' na namagitan sa kanila.

May be an image of 1 person and text that says 'Christian Albert Gaza 49m・ Kompirmd mga Mars. Barbie Imperial and Diego Loyzaga, nag-check out sa Escala Tagaytay last November 1 na sira-sira at basag-basag ang buong kwarto matapos mag- away nang malala. Ultimo bote ng wine ay ibinato sa aircon. 32.9K 15 Comments 4.4K Shares'
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Larawan mula sa Isyus/Diego Loyzaga/Xian Gaza)

Muling nilinaw ni Xian na wala naman siyang sinabing si Barbie ang third party sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.

"I've tried to review my post, wala akong sinabing si Barbie Imperial ang third party… nagkataon lang na ang sinabi ko ay Star Magic artist," saad pa ni Xian.

Matapos kasi ang blind item, nag-post si Xian ng 'Goodnight po sa lahat except kay Barbie Imperial'.

Ang talagang target niya umano ay ang jowa nitong si Diego na alam niyang magiging 'knight in shining armor' kay Barbie.

Aminado naman si Xian na nais din niyang gantihan at buwisitin si Barbie dahil sa 'Totropahin o Jojowahin Challenge' nito sa vlog noong 2020, na aniya ay hindi nito papatulan ang alok ni Xian na trabaho (kung sakaling wala pa ring prangkisa ang ABS-CBN) dahil nasangkot siya sa scam.

Nagkasama sina Diego at AJ sa pelikulang 'Death of a Girlfriend' na talaga namang maiinit ang mga eksena.

May be a black-and-white image of 1 person and outdoors
Larawan mula sa FB/Raven Gomez

Hindi pa malinaw kung nangyari ba umano ang panliligaw na ineentertain na rin si AJ si Aljur Abrenica.

Samantala, mukhang dedma pa rin dito ang mag-jowang Diego at Barbie. Sa pinakabagong Facebook post ni Diego, ibinahagi niya ang mga litrato nila ni Barbie at sila raw ay 'still chilling' lang.

May be an image of 3 people and indoor
Diego Loyzaga at Barbie Imperial (Larawan mula sa FB)

May be an image of 2 people
Diego Loyzaga at Barbie Imperial (Larawan mula sa FB)

May be an image of 3 people and indoor
Diego Loyzaga at Barbie Imperial (Larawan mula sa FB)

May be an image of 2 people and people kissing
Diego Loyzaga at Barbie Imperial (Larawan mula sa FB)

Wala ring pahayag mula naman sa nasasangkot na namang si AJ Raval hinggil sa panibagong pasabog at pagsangkot sa kaniya ni Xian Gaza.