Sa kumakalat na larawan sa social media, makikitang may inihahanda ang presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa studio ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Ayon sa mga ulat, namataan si Robredo sa studio ng aktres para sa isang campaign shoot.

Sa disenyo ng studio sa kumakalat na mga larawan, kumpirmado ngang ito ang studio ni Kathryn na unang ibinahagi ng aktres sa isang Youtube vlog nitong Hunyo ngayong taon.

Bagaman hindi pa opisyal na ikinampanya ng aktres ang kandidatura ni Robredo, nauna nang sinabi ng kampo ng bise-presidente na ilang kilalang personalidad na ang nagpahayag ng kanilang suporta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nitong unang linggo ng Nobyembre, ang Youtube star na si Mimiyuuuh ang unang nakasama ni Robredo sa isang cooking vlog.