CAGAYAN--- Natagpuan nitong Linggo ang bangkay ng dalawang estudyante matapos ang dalawang araw na pagsasagawa ng search and rescue operation sa kahabaan ng Cagayan River, Bgy. Bagay, Tuguegarao City, Cagayan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kinilala ng Cagayan Provincial Police Office (CPPO), ang mga biktima na sina Vince Niño Narag at Mark Anthony Tuppil na parehong 12-anyos at residente ng Bgy. Atulayan Sur, Tuguegarao City.

Ayon sa pulis report, noong Biyernes, dakong 1:00 ng tanghali, pumunta sa tabing ilog ang mga biktima at kaibigang si James Paul Tumaliuan para manghuli ng gagamba.

Ang biktimang si Vince ang unang pumunta malapit sa river control para tingnan ang lebel ng tubig, ngunit habang nasa proseso, nadulas siya at nahulog sa malalim na bahagi ng ilog.

Kaagad siyang tulungan nina James at Mark-- ngunit nahulog din sila sa ilog.

Gayunpaman, tanging si Jam lamang ang nakaligtas habang ang mga biktima ay naanod at nalunod. Humingi rin ito ng tulong sa ibang taong naroroon sa lugar sa kabila ng pagkagulat.

Naiulat lamang ang insidente sa Tuguegarao City Police bandang alas-8:30 ng gabi, kung saan ipinadala sa nasabing lugar ang mga tauhan ng police station at Rescue 1111 ng Tuguegarao City at nagsagawa ng search and rescue.

“Alas sais ng umaga noong November 21, 2021 sa Barangay Bagay sa lungsod nang marekover ng RESCUE 1111 ang katawan ni Mark Anthony Tuppil habang kasama nito si Vince Niño Narag ay natagpuan 11AM-12NN sa bahagi ng Babayuan, Amulung, Cagayan ng pinagsanib pwersa ng TFLC at Amulung rescue,” pahayag ng Tuguegarao CIO.

Liezle Basa Inigo