Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Antique nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 14 kilometro ng hilagang silangan ng Tibiao ng lalawigan.
Ang pagyanig na lumikha ng lalim na limang kilometro ay naganap dakong 8:49 ng gabi.
Naitala rin ang Intensity 3 sa Tibiao at Culasi; Intensity 2 naman sa Valderrama sa Antique at Intensity 1 sa San Jose de Buenavista ng nabanggit na probinsya.
Sinabi pa ng Phivolcs na tectonic ang pinag-ugatan ng lindol na sanhi ng paggalaw ng active fault sa kalapit na lugar.
Wala namang naiulat na nawasak sa pagyanig at hindi na inaasahang lilikha ito ng aftershocks.
Ellalyn De Vera-Ruiz