'Dream come true' para sa isa't isa na sa kauna-unahang pagkakataon, nagkadaupang-palad sa award-winning magazine show ng GMA Network na 'Kapuso Mo Jessica Soho' (KMJS) sina Jessica Soho at ang bagong Kapusong si John Lloyd Cruz, sa episode nitong Nobyembre 21.

Napa-sana all na lamang ang mga netizen dahil tila nag-date umano sa El Nido, Palawan sina Jessica at JLC, kung saan, sinabi ni JLC na itong lugar na ito ang itinuturing na niyang pangalawang tahanan. Si Jessica naman, maraming kamag-anak doon kaya talaga namang may personal touch sila sa lugar.

Inilarawan nina Jessica at JLC na 'best date ever' ang pagsasama nila habang sila ay nagkakayak.

Sa interview proper, diretsahang tinanong ni Jessica kung bakit nga ba lumipat ng home network si JLC. Halos dalawang dekada kasi si JLC sa ABS-CBN, at hindi rin naman biro ang ibinigay na mga proyekto at pagpapasikat ng dati niyang home network kay Lloydie, kaya isa siya sa mga ultimate leading men sa showbiz ngayon.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

John Lloyd Cruz (Screengrab mula sa YT/KMJS)

Jessica Soho (Screengrab mula sa YT/KMJS)

"Ang hirap naman ng unang tanong," nakangiting sabi ni John Lloyd. "Siguro, nasa punto ako na susundan ko na lang yung trabaho… nag-uugat sa pagtulong sa isang grupo na malapit sa puso ko, na magsasama-sama kami ulit, so may tiyansang magkaroon ng trabaho ang lahat," tugon ni JLC.

Ang tinutukoy niya marahil dito, ay ang kaniyang sitcom na 'Happy Together' kung saan isa siya sa mga bumuo at magiging assistant director nito, katuwang si Direk Edgar 'Bobot' Mortiz. Karamihan sa mga cast members nito at ilang staff ay nagmula sa defunct sitcom niya sa ABS-CBN na 'Home Sweetie Home', bago siya nag-showbiz hiatus kasama si Ellen Adarna.

Kaugnay din nito, tinanong ni Jessica si JLC kung bakit siya nag-hiatus sa showbiz.

Huminga muna nang maluwag si John Lloyd, tumingin sa malayo, at saka nagsalita.

"Parang it is the right time to make time for myself… to start something new. It was the right time to start a journey and learn… prior to that, dalawang dekada akong kayod nang kayod, syempre sa mga natututunan natin, kaakibat din siya ng mga bagay na nakakapit sa 'yo na mahihirapan kang ipagpag," aniya.

Kaya sa kaniyang pamamahinga, nakahanap daw siya ng panibagong tahanan---sa El Nido, Palawan. Namuhay raw nang simple si John Lloyd, malayo sa glamorosong mundo ng showbiz. Marami naman ang nagpatotoo kung gaano kasimple ang pamumuhay ni JLC kagaya ng mga tindera at karaniwang tagahanga na malayang nakapagpapa-picture sa kaniya.

Napag-usapan din ang reaksyon niya sa pagpapakasal ng kaniyang ex. Ito ay si Ellen Adarna kay Derek Ramsay. Ayon kay JLC, masaya naman daw siya kung saan masaya ang mga ex niya.

Samantala, kumasa naman si Jessica sa 're-enactment' sa mga iconic scene sa mga pelikula ni JLC sa Star Cinema gaya ng 'One More Chance' at 'A Very Special Love'. Hindi rin kinaya ni Jessica ang pakikipagtitigan kay Lloydie na para bang nanghihigop.

Jessica Soho at John Lloyd Cruz (Screengrab mula sa YT/KMJS)

Mukha namang masaya si JLC sa bagong yugto ng kaniyang career ngayon, lalo't mabibigyan na niya ng trabaho ang mga dating kasamahan sa ABS-CBN na nawalan ng proyekto dahil na rin sa pagkawala ng prangkisa nito.