Kamakailan lamang ay naging trending sa social media ang panawagan ng mga netizen na patawan ng 'Force Eviction' ang isa sa mga Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemates na si TJ Valderrama, na kapansin-pansin umano ang pagiging 'touchy' at malapit sa kaniyang kapwa housemate na si Shanaia Gomez.

Hindi nagugustuhan ng publiko ang mga akto ni TJ, lalo na umano ang paghawak-hawak at paghalik-halik sa pisngi nito kay Shanaia; bakit naman daw kailangan pang gawin iyon, kakakilala lang naman nila sa loob ng Bahay ni Kuya at hindi pa ganoon kalapit sa isa't isa. Maging ang Gabriela party-list na kilalang nagpoprotekta sa kapakanan at karapatan ng kababaihan ay naalarma na rin sa mga nangyayari.

Kung may isa mang nasasaktan sa mga nangyayari, nababasa, nakikita at napapanood niya, ito ay walang iba kundi ang jowa ni TJ na si Cherry Malaya. Ipinahahayag niya ito sa kaniyang Twitter account. Hindi kasi niya ma-address kaagad ang mga concern dahil nasa loob pa nga ng PBB house si TJ; hindi rin ito nailalagay sa listahan ng mga nominado kaya hindi mapalabas (maliban na lamang kung papatawan siya ng forced eviction, kung mapatunayang totoo ang mga bintang sa kaniya).

Sa mga unang buwan ng pananatili ni TJ sa loob ng Bahay ni Kuya, makikitang buo ang suporta ni Cherry para kay TJ.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"THE CREAM ALWAYS RISES TO THE TOP! What chismis?? Ain't nobody got time fo-dat! We're here to WIN! Trophy Only the realest deserve to be BIG WINNER, and that's the biggest ALPHA of the group! Needless to say who that is Sparkles

@TeamTJVOfficial @Tjvalderrama" ayon sa tweet niya noong Oktubre 28.

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Sa pagpasok ng Nobyembre at unti-unti na ngang umiingay ang social media tungkol kay TJ, sunod-sunod na rin ang cryptic tweets ni Cherry.

"Why do people hurt the one they love???" saad niya noong Nobyembre 10.

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Nitong Nobyembre 20 naman, sa kasagsagan ng panawagang palabasin na si TJ sa loob ng Bahay ni Kuya, dito na siya nagbitiw ng mga tweets na tila laban sa kaniyang jowa.

"Nakikita ko lahat ng mga 'yan. Don't worry."

"Eh kung i-force evict ko rin 'yan sa Malaya House??? #ForceEvictTJ."

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Noong Nobyembre 21 naman, "I'm tired of all this showbiz crap. I just want to live my life in peace. Leave me alone. Leave us all alone."

At pagkatapos nga ay humingi na siya ng pasensya sa pamilya ni TJ.

"To TJ's family, I'm sorry for voicing out how I feel. I do not want to hurt you. Mahal ko kayo, Alam n'yo 'yan. I have nothing but love for his parents and siblings. This process is unhealthy, draining, & exhausting. I just want it all to be over! Please stop the bashing."

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Pagkatapos ay kumambyo na siya sa mga basher at ipinagtanggol ang kaniyang jowa. Bilang mag-jowa ay mag-uusap daw sila ni TJ paglabas nito sa Bahay ni Kuya.

"Alam n 'yo, di rin tama ang ginagawa n 'yong paghusga at pagbu-bully kay TJ. Totoo, he has done me wrong. Pero nasa aming dalawa 'yun. Paglabas niya mag-uusap kami. Wag na kayo makisawsaw. Dami n 'yong oras."

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Nanawagan din siya sa PBB management. Sana naman daw ay magsalita na sil Big Brother at ipagtanggol naman si TJ na halos isumpa at ipako na sa krus ng bashers niya sa outside world.

"I hope PBB does something to stop all this bullying! It's not healthy for the families of those inside. The housemates cannot defend themselves! Big brother, do something, say something!!! Pagkatapos ko kayo tulungan sa lahat ng mga pinapagawa nyo, please… Do this for us."

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Nitong Nobyembre 22, tila naimbyerna na si Cherry sa mismong PBB.

"Taking this one day at a time. My heart is broken but my spirit is strong! I'll still do what's best for me! Know your worth, ladies! SparklesSparklesSparkles."

"So PBB, porke gumawa kayo ng episode to explain yung 'closeness' ni Shanaia at TJ, magiging ok na lang ang lahat?? Mga siraulo. The damage has already been done!!! There's no way you can fix this! At di ako makikipag-meet sa inyo. Si TJ lang ang kailangan kong makausap. PERIODT."

"Di na kayo naawa sa pamilya ni TJ! Sa mom niya na may sakit. Sa tatay niya na pinalaki siyang matino at may takot sa Diyos. Sa tatlong kapatid niyang babae! Punong-puno na ako sa kakulangan n'yo!!! Palabasin n'yo na 'yan! Money making bullshit show."

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Samantala, hinihintay pa ang magiging aksyon ng PBB management hinggil sa isyung kinasasangkutan nina TJ at Shanaia.