Hindi napigilan ng Pinay broadway superstar na si Lea Salonga na muling magpahayag ng kanyang pagmamahal sa Korean boy group na BTS kasunod ng big win at performance ng grupo sa 2021 American Music Awards (AMAs).

Isa rin ang Tony-winning singer-actress sa mga milyon-milyong fans na nag-abang sa AMAs ngayong taon kung saan big winner ang BTS matapos iuwi ang “Artist of the Year” award.

Sa magkakasunod na Tweets ni Lea ngayong Lunes, Nob. 22, hindi na nito napigilang mag-fangirl mula sa performance ng grupo ng “My Universe” kasama ang bandang Coldplay hanggang sa pasabog na outro act sa chart-topping hits nilang “Butter.”

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Screengrab mula sa Twitter

Screengrab mula sa Twitter

Bukod sa "Artist of the Year" award, nasungkit din ng BTS ang dalawa pang naglalakihang awards, ang “Favorite Pop Duo or Group” at ang “Favorite Pop Song” para sa kanilang chart-topping hit “Butter.”

Basahin: Kpop powerhouse BTS, big winner sa 2021 American Music Awards! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Screengrab mula sa Twitter

Samantala, nagpahayag din si Lea ng paghanga sa performance ng Filipino-American na si Olivia Rodrigo sa kanta nitong "Traitor" sa kanyang album na "Sour."

Screengrab mula sa Twitter

Noong 2020, unang ibinahagi ni Lea Salonga na nahumaling siya sa musika ng BTS matapos lumabas ang pinakaunang all-English lyrics sa record-breaking hit nilang "Dynamite."