Usap-usapan ngayon ang vlogger na si Von Ordoña matapos niyang sorpresahin ang kaniyang girlfriend na si Carlyn Santos ng isang human-sized money bouquet, para sa kaarawan nito.

Gusto raw niyang ipakita sa kasintahan kung gaano kalaki ang kaniyang pagmamahal, na soon-to-be ay magiging mommy na rin. Literal na malaki ang money bouquet na ipinagawa niya sa suking flower shop dahil human-sized ito.

Bukod sa taas nitong 6.5 feet, mas nakalulula ang halaga ng bawat petals nito na pawang ₱1,000 at ₱500, na aabot sa ₱1M!

Record-breaking talaga ang ginawa ni Von dahil umabot nga sa milyong piso ang perang nakalagay sa human-sized money bouquet, na magsisilbing savings nila, para sa panganganak ni Carlyn.

Relasyon at Hiwalayan

Nathalie Hart, hiwalay na sa afam na mister: 'Hindi nag-work out!'

Screengrab mula sa YT/Von Ordoña

Screengrab mula sa YT/Von Ordoña

Screengrab mula sa YT/Von Ordoña

Screengrab mula sa YT/Von Ordoña

Screengrab mula sa YT/Von Ordoña

Screengrab mula sa YT/Von Ordoña

Screengrab mula sa YT/Von Ordoña

Screengrab mula sa YT/Von Ordoña

Sa comment section, bumuhos ang 'sana all' ng mga netizen!

"Gusto kong ipakita sa iyo kung gaano kita kamahal, kasinhalaga ng ₱1M!' sabi ni Von kay Carlyn.

Si Von ay may 2.03M subscribers sa kaniyang YT channel.