Nitong Nobyembre 20 ay muli na namang lumikha ng ingay ang 'friends' na sina Paolo Contis at Yen Santos.

Naispatan kasi ng mga 'Marites and friends' na para bang nasa iisang venue lamang sila. Batay sa IG story ni Yen, ipinagdiwang niya ang kaniyang 29th birthday sa pamamagitan ng isang birthday dinner at mukhang espesyal ang lugar at set-up.

TINGNAN: https://www.facebook.com/balitaphl/posts/4740430816013047

Pagkatapos, si Paulo naman ay nag-post din sa IG story ng isang larawan na bagama't mukha lamang niya ang nakabalandra, kitang-kita naman sa background ang mga lights na kagayang-kagaya sa larawang ipinakita ni Yen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Biro tuloy ng mga netizens, mukhang magkasama sa isang 'birthday dinner as a friend' ang dalawa. Matatandaang naugnay si Yen kay Paolo matapos makipaghiwalay ang aktor sa kaniyang longtime partner na si LJ Reyes, at matapos silang maispatang naglalakad sa Baguio 'as a friend'. Nagkasama sila sa pelikulang 'A Faraway Land'.

Ngunit mukhang dedma lamang dito si LJ. Sa halip, ibinahagi niya ang isang 'love letter' na natanggap niya.

Mula ito sa kaniyang panganay na si Aki, anak nila Paulo Avelino.

"Handwritten notes from Aki are the best! Ewan ko pero lagi talaga akong tunaw na tunaw lagi when I get these handwritten notes from my son. Proof ba na batang 90s ako?" saad ni LJ sa caption ng kaniyang IG post.

"But honestly, I think expressing your feelings and showing your appreciation through this small gesture are always the best way to show and make people feel special!"

Ibinahagi ni LJ ang larawan ng dalawang notes na ibinigay sa kaniya ni Aki. Nasasaad, "Dear Mommy, I love you Forever and I wish that you will love me forever and I wish that you buy me a toy."

Sa isa pang note, "I love you mom up to the moon and sun and stars."

Screengrab mula sa IG/LJ Reyes

Screengrab mula sa IG/LJ Reyes

Na-touch naman ang mga netizen sa ginawa ni Aki.

"You are the best and strongest mom and so are your kids, the best and most lovable kiddos. YOU ARE INDEED BLESSED. God Bless you and your beautiful kids."

"Handwritten love letters are the best, Ms. LJ. Soo lucky si Aki at Summer dahil ikaw ang WONDER MOM nila."

"You are lucky having sweet children, LJ! Ok na 'yan kaysa naman yung isa hahaha."

LJ Reyes, Aki at Summer (Larawan mula sa IG/LJ Reyes)

Ang anak nina LJ at Paolo ay si Summer.